Sunday, December 27, 2009

Ano ang CONJURE ?

2weeks walang pasok [ xmas break ]
Tinatamad akong gawin ang book summary namin sa discrete math
at kabisaduhin ang steps ng "i dont care eh eh er er" ng 2ne1 [badtrip kasi sa PE yan!]
--------
nasa muntinlupa ako, parelak relak pero BORING ! ang background ko gubat wth
so tumambay ako sa library ng insan ko
may naspot-an akong tagalog book. KULAY PINK/FADED RED na libro.
nasuprise ako kasi english novels lang ang karaniwang nandon.

this is the book.





















Nasa 1st chapter palang ako ang nasa isip ko na
goodbye muna bob ong huh
HELLO RICKY LEE !
Taas ang kamay at paa ko sakanya talaga !
Mahirap ipaliwanag kung ano ang kakaibang emosyong nararamdaman ko habang binabasa ko ito.
Though mejo bitin ako dahil.... engggggk !
basahin nyo muna.pangit na kapag nagshare ako.
-
At para sa word na CONJURE? IGOOGLE SEARCH mo nalang :D

Thursday, December 24, 2009

So envy -__-

Sobrang inggit ako. as in.
I know it's wrong, meron naman akong sapat sa dapat na kinakailangan sa buhay.
And I always know that LIFE IS REALLY UNFAIR like duh ?
[i saw it clearly in 2012]
--------
My cousin is turning 18 on january 1st.
She told me she doesn't wan't any dumb party.
She just want that expensive dlsr [professional camera]

Kinausap ko sya at sabi ng ate at mama nya
she'll gonna have a party by hook or by crook.
Dapat gaganapin sa hotel, may cottilion and debut likes at syempre magsusuot sya ng bonggang gown PERO AYAW NYA.
----------
So ang napagplanuhan nalang ay close friends and relatives and imbitado.
The invitation is like santos-agoncillo invitation.
ung you'll have a slipper tapos makukuha mo ung ka pair pag pumunta ka.

And you know what ?
magrerent sila ng banda !
And you know what ?
THAT IS WHAT I WANT FOR MY BIRTHDAY @__@
geez, i so sound like a child, a brat. hmpf

Uh yeah ?What is the exciting part ?
The last time I checked they're alreay contacting URBANDUB's manager -__-

Wednesday, December 2, 2009

Bubuyog day

47 days to go ! bubuyog day ko na .
Nahhh, Im just turning 17, hindi sya kasing espesyal na talaga isineselerbra katulad ng 1st, 7th, 13th,16th at 18th borthday.

Im not so sure but sure [huh] na hindi na ako makakapag celebrate ng aking debut dito sa pinas with my family and friends kaya gusto ko magcelebrate sa 17th beeday ko.

Ang immigrant kasi sa canada, dapat hindi pa 18 years old. hayyss

SO FOR MY PLANS ?
Syempre partei people !At bongga ang iniisip ko [na feeling ko naman afford ko]
I want a band in my party. Hindi lang basta banda kundi ang URBANDUB.
yeah, I want them to be in the special day of my life.
duh ? ang instruments like the drums, tha ampli and chorvalu kaya ko irent.
pero ang tf ng urbandub ? geez, SUNTOK SA BUWAN !

Anyways, I'll be happy kung kumpleto ang friends ko.
pero syempre iba na rin kung andun ang urbandub ;c kahit imaga okay lang.

Sunday, November 29, 2009

LAOS !

Hindi na uso ang yakapsul, kisspirin at bioges*x.
MAY BAGO NA !
SAN KA PA ? OHA .lol

Friday, November 27, 2009

FURIOUS

So this is all about pbb. Ibubuhos ko lahat ng mga opinion at emotions ko dito.So This post will definitely be long and boring.I advise you to stop reading this non sense now. K THX BY

-----------------------------------------------------------------

Galit na galit ako hindi ko kayang ilabas sa kung anupamang paraan ang galit ko dito sa apat na itlog na to.

DISCRIMINATION.
Why the fuck to they discriminate rica, of all people na walang ginawang kung anu mang chovervaloo sa kanila ? Deep anger are raging to me when i first heard them the lines "dati puro mga babae naririnig natin, ngayon mayron ng SHEMAN".

I know there is a free country, kahit anong sabihin mo sa kung sinong poncio pilato ay kukunsintihin, hahayaan, ipapawalang bahala. So kahit kuntodo inis na ako sa apat na yon, I remained silent.

Then wtf, the next day , they had a jacuzzi party and that male dogs are acting like a super clean person. AYAW NILA MALIGO SA JACUZZI BECAUSE RICA IS THERE ?!?! That's fucking absurb !Mahahawa ba sila sa feminism ni rica pag ngyari yon ?! May anghit ba si rica ?!

They still keep on degrading Rica, like putangina, what the heck do they care kung bakla sya ?! if she's a cross dresser, seeked help to a plastic surgeon just to make her look like a real woman.
TAO yon, hindi kayo diyos.

THIS IS SOME OF THE CONVERSATION THE NUT HEADS HAD:
rob: dude wag na lang tayo matulog tonight... or wag na lang kayo maglasing...
rocky: hindi talaga ko maglalasing... takot ko lang
rob: dude dibale di naman ako malalasing... bantayan ko na lang kayo kay half-half..
rocky: hehehe
rob: dude masaya kaya yung party mamaya? sana talaga sila mariel pa rin noh
rocky: sana nga
rob: what's the point of having fun kung puro mumu naman kasama
------
rocky: tol intact pa ba yung kay samson-delilah?
rob: yeah alam ko it's still there... why did you ask?
rocky: hehe para alam ko kung san ako aatake pag ginapang ako
rob: dudee!!! ayos ah!
------
Rob: jackpot talaga sila doon!
Rocky: jackpot din naman tayo dito ah, meron tayong Samson at Delilah sa isang katawan!
Patrick: ganyan talaga ang buhay, may nalalamangan...
Rob: ayaw kong mag-jacuzzi!
Hermes:it sucks to be us right now
Rob: kahapon, parang DUDE! ngayon parang WHAT?!!!
Patrick: ituring din natin silang ordinaryong tao...
House B boys: hahahahaaha!
Rocky: di ba sila mga ordinaryong tao?! hehehe



Isa pa sa nagpapakulo ng dugo ko ay parang walang mga pake ang mga tao sa world lalo na ang mga namumuno sa PBB. No actions ? Huh !
Alam nyo na nga mali ung ginagawa nila wala paring ngyayari. I don't care if that big brother will punish them for acting like a chavaunist PIG, ang gusto ko lang mangyari ay kausapin nila ung 4 na pusanggalang yon !

Im really hurting for Rica. I have Homo friends, and relatives, I know what it feels like to be discriminated, to be degraded because of what you are.The fact that they don't even care what you felt.

I hope sa four of you ,Patrick Villanueva, Robert “Rob” Stumvoll, Hermes Eugene Bautista, and Rockywho has a rotten attitude will be dang scared of KARMA.

NATUWA AKO KAHIT PAPANO KAY KUYA DAHIL NAGCUT SILA NG IBANG SCENES. KUNG MAPAPANOOD NYO SA LIVESTREAM ANG MGA TUNAY NA PANGYAYARI......ewan ko nalang.

SOURCE LIVESTREAM VOTE RICA
please vote for rica so she will stay in the house and eventually get even in those 4 in a way.
---------------------------------------

I don't know anyone who're involved in this post personaly and I DONT CARE [eh eh eh er] if you know them.I'll be glad if you'll post your GOOD reactions, so if you'll never say any good thing YOU HAVE THE RIGHT TO REAMIN IN FUCKING SILENCE. that's all

uiii bumalik na ung aytenkyubow ko ! haha

Wednesday, November 25, 2009

Eye patch

Ang eye patch ay ginagamit pag ikaw ay nagcocostume ng pirata.
ginagamit din ito sa pagtulog, pag maliwanag.

for example.
oh diba ? perfect example. tita ko yan.
puyat kasi. haha

Friday, November 13, 2009

DULING

Hindi ko naman sinasadyang mahagip ng aking mga mata
malay ko bang ganon pala ang ibig sabihin non ?

Sa unang sulayp mapapanganga ka, sabay
takip ng bibig, hindi makapaniwala
nakakapaggilagilas, nakakapagpabagabag,
ngunit akala ko ganon talaga yon.

HINDI PALA ! dumi lang pala ng utak ko
kelangan ko irefresh.

sa unang tingin akala ko talaga RAPIST ung nakalagay,
at IMMEDIATELY HIRING PA AH.
nakooow, pano kung may ganito talaga ? haha
ang mga tao talaga, binura pa ung "the" .
LOLS



Wednesday, November 4, 2009

Memorable ? IBAON SA LIMOT !

Kahapon nagenroll ako sa JRU, karay karay ang ina ko, syempre.
Nakabuo na ako ng desisyon, mass communications ang kukunin kong course
okay na ko don, tanggap ko na.
Nagkapirmahan na ng kontrata, ng bigla akong tanungin kung anong kukunin kong course, edi confident ako, MASS COMM PO. ngeeeek ! wala palang ganung course sa JRU, so sa hinaba haba ng prusisyon, sa INFORMATION TECHNOLOGY DIN PALA ANG BAGSAK KO ! duh ?
--------
TODAY ---- alam ko tuesday ngayon. malakas ang paniniwala kong tuesday ngayon.
So tinanghali ako ng gising, duh, 10:30 pasok ko, 10 nako bumangon, so ligong ewan at damit ewan nalang ang ginawa ko.
At antagal ng elevator syit ! 5th floor pa ko ! so naghagdan nako, pagdating ko don hingal kabayo nako at lawit dila na.
nyorks, tagal ni prof. nung dumating at binuksan na ang door
taas noo akong pumasok kahit muka akong pindangga
nagkapasahan na ng registration form, ng bigla akong tawagin ni prof.

Prof: Miss Magpayo, are you sure that this room is for CSC blah blah
Me: Yes maam, as far as Iam concerned today is tuesday so therefore my subject is csc blah blah into this room, h410
P: Huh ? Miss Magpayo, don't you know that today is november 4 2009, wednesday and our class today is csc 16 blah blah.
M: [like woah ?! are you kidding me ?] *namutla effect. Uhh, okay maam, sorry I was mistaken.
P: Okay youmay go now, you're disturbing us here.

LIKE WHAT THE FUCK, BULLSHIT, COWSHIT, CARABAOSHIT, what the hell happened to me to think that today is tuesday ?!
Nakakahiya, pahiyang pahiya ako.
ANTARAY PA NAMAN NUNG PROF !
gosh . paglabas ko ng room, i was like teary eyed and I wanna scream "MAMA TAKE HOME I DUN WANNA BE HERE NA " lols.
Gosh talaga, nakakahiya.
so tinitigan kong mabuti ung reg form ko
if today is wednesday, supposed to be, MAY KLASE AKO SA ENGLISH NG 9:30 ! sheeeeeeeet ! paking sheeeeet ! yellow sheeeeeet of fucking paper !
10:40 na, mas oras pa, pwede pa ko humabo sa filipino, eh dang !
di ko alam kung san ung T building [as in tower] eh ayokong magmukang tangang aso na naliligaw at di alam kung san pupunta kaya nagpadirediretcho ako at nagtanong sa guard [atleast di ako malalait at machichismax neto]
ayun, sa 5thfloor uli ako, at antagal nanaman ng elevator so tumakbo ako sa hagdan.
pagdating ko, muka nakong bagong ligo sa ulan.
madami ng tao, pero wala pang prof, AYOS ! badtrip
hintay, teks teks, petix petix, WALANG PROF NA DUMATING !

Saturday, September 26, 2009

The first horrible time

Iam an insomaniac person. Kaya lagi ako absent. [plus katamaran]
It's friday [kahapon] kaya andito sila mama sa manila
They slept here kaya muka nanaman kaming sardinas.
Imagine 3 people on a single bed ? watdahil pero keri lang.
Yung lang, 5am na, di pa ako nakakatulog.
Lahat na ng style ng paghiga, lahat ng games sa cp ko
at lahat na ng libre miski paper backs nabasa ko na.
Wait ! eto na, mejo hinihila na ko ng antok.
sheeeeezo, bakit may biglang tumulo ?
Oh well umuulan nga pala, pero naman, straight sa butas ng ilong ?
Buti ung tulo sa kisame ko, hindi ung tipong mala gripo.
patak patak lang. so keri pa rin, nagtalukbong na lang ako.

2hrs passed, ginising ako ni mama.
brown out, saktong wala kaming stock ng foods.
Lumabas ako, geeez, it's freaking cold !
And it;s still raining cats and dogs, like puT$#Tgg
All my clothes are soaking wet !
KALALABA KO LANG !!!!!

Gawd, First time kong tumira sa manila.
First time ko ding maranasan ung pagkalabas mo palang ng bahay
hangang tuhod na ang baha !
lalo na sa kanto, hangang bewang daw. pwwwwwnd !
Ito lang ang pic na na capture ko bago mag empty batt ang cp ko.
Kawawa naman yung iba kong kamag anak,
hangang lampas ankle ang baha sa LOOB MISMO NG BAHAY NILA.
hayyyy.
This is indeeed a horrible day.

Monday, September 21, 2009

This is a must !

heeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeelp!
I pretty much wan't my dreams to come true.
Wala naman mawawala kung tutulungan nyo ko sa petisyong ito diba ?
help help help T_T

click here and sign the petition


Kelangan pumunta dito ng bigbang at 2ne1
PARANG AWA NILA !
Magpopropose ako kay top eh . huahahaha

sige na tulungan nyo ko puhleeeeese T_T
maliit na bagay lang naman to T_T

source: kring :D

update !
Kring said I should post this instead.
Image and video hosting by TinyPic


---
Bahala na kung anong mas dapat na ilagay dito,
magsign lang kayo kahit saan ay magiging super ligaya nako.
SALAMAT IN ADVANCE

Sunday, September 13, 2009

Ang tikas ko.

Dahil pasulpot sulpot nga lang ako sa school
wala akong alam sa mga happenings
at magiging happenings.. you know ?

So nung friday pumasok ako.
As in buong araw.
para makibalita at tapusin lahat ng dapat tapusin.
Nalaman ko nalang na SHOCKS !
dropped na daw ako sa math at drafting namin !
Geez, so naghanda ako ng speech para sa proof
[wag nyo ng alamin kasi sobrang paaawa effects lang sya]

At nung pauwi na kami ,
pasakay na ng LRT
sinabi sakin ng classmate ko na nakalimutan nyang bumili ng baon sa supermarket kasi MAGCACAMPING NA KAMI SA MAKILING BUKAS [sabado]
Nashock ako as in SUPER SHOCK !
Edi nagmabilisang kilos ako
kaya andami kong naiwan. haysss

Ngayon nag ONLINE agad ako
para magpost sa blog
update ang kung ano man
at makibalita ulit sa mga classmates ko thru ym.
------
PROMISE MAGTITINO NA TALAGA AKO SA TUESDAY !
[kasi di ako papasok bukas, angsakit sakit kasi tlaga ng katawan ko]

Tuesday, September 8, 2009

Senseless

This day.
and the other day..
and the other day...
and the other day....
Nagsimula to nung walang pasok pag monday.
Nagka ngarag ngarag na ang pasok ko.
Ewan ko. Parang nawalan ako ng will na pumasok.
parating hapon or 1st subject lang ako pumapasok
and the worst, di na ko pumasok
at natulog nalang ako maghapon.
LIKE TODAY.
natulog ako ng 1am, nagising nako ng 4pm.
wth, ano pang itutulog ko mamaya ?
Yes, tinatamad ako
pero sinasabi ko naman sa sarili ko na kelangan ko pumasok
kelangan, at kelangan lang talaga.

So mag aalarm ako sa cp ng isa at kalahating
oras bago ang time ng pasok ko
so tulog, tulog tulog.
pag nag alarm, papatayin ko ung cp
then pipikit lang ako saglit.
at ung saglit na pikit ay umaabot ng oras
hangang sa hindi na nga ako nakapasok
shit. hindi ko alam kung bakit umaab normal nako.
I know I've been so bad, senselesss, meaningless
and acted like im so dumb and ill these past few days.

Magbabago pa kaya to ?
SANA !
All I need right now is a boost of inspiration.
And a little LOVE. haha
sobrang cheesy

ayon... fyi guys. im not heart broken.

tinakasan lang ako ng tuluyan ng sense of humor ko
Ay tenkyu *BOW

Saturday, September 5, 2009

Cry


I'm not the type to get my heart broken
I'm not the type to get upset and cry
because I never leave my heart open
Never hurts me to say goodbye
Relationships don't get deep to me
Never got the whole in love thing
And someone can say they love me truly
But at the time it didn't mean a thing

My mind is gone, I'm spinning round
And deep inside, my tears I'll drown
I'm losing grip, what's happening
I stray from love, this is how I feel
This time was different
Felt like, I was just a victim
And it cut me like a knife
When you walked out of my life
Now I'm, in this condition
And I've, got all the symptoms
Of a girl with a broken heart
But no matter what you'll never see me cry

Did it happen when we first kissed?
'cause it's hurting me to let it go
Maybe 'cause we spent so much time
And I know that it's no more
I should've never let you hold me baby
Maybe why I'm sad to see us apart
I didn't give to you on purpose
Can't figure out how you stole my heart

How did I get here with you, I'll never know?
I never meant to let it get so, personal
And after all I tried to do, to stay away from loving you
I'm broken heart and I can't let you know
And I won't let it show
You won't see me cry

Rihanna - Cry
--------
Wish ko lang katulad ako ng taong yan sa kanta.
Sana kaya ko yang ganyan....
:c :c :c badtrip.. bat naman kasi..

Wednesday, September 2, 2009

Matagal na to.1st sunday of august ata.
Nagpahula ako kay sir.allan
ang prof namin sa nstp-cwts.

Oo.Maruning sya manghula.
Pano?Sa pamamagitan ng iyong pulso.
Ayaw nya sa palad kasi minuminuto daw
nagbabago ang kapalaran ng tao.
I mean, ung mababasa nya don.

Ay, marunong din pala sya magbasa ng talambuhay.
I mean, sa isang tinginan lang sa mata mo
alam na nya ang mga pinagdaanan mo
ang mga nanyari sayo...
---
Well. oo. sa umpisa napa *WEHHH? lang ako.
Kasi naman... di talaga ako naniniwala sa manghuhula.
Pero now I know, may mga taong sadyang gifted talaga.

SO BALIK NA TAYO SA TOTOONG KINUKWENTO KO.
Nakita namin ng friendships ko si sir
syempre, hinabol namin.
Nagpahula kami. NAUNA AKO.
Medyo nagaalangan ako...
kasi ayokong malaman kung ano nag hinaharap.
at kung ano ang meron ako..
kasi naniniwala akong nakaplano na ang tadhana natin
pero nasa saatin na kung babaguhen naten.
[courtesy of LOBO ;angel&piolo] haha

So.. kinapa na ni sir ang wrist pulse ko.
Sir: keep up the good work.
ako: huh?
sir: ikaw ang nagpapasaya sa mga kaibigan mo.napapagaan mo lahat ng bagay, masaya kang kasama at kausap.wag ka sana magbago. Un lang, bawas bawasana ang pagiging bossy.
ako: hah ? ehh.. *sa isip isip ko kala ko sasabihen nya love life ko. PERO TAMA SI SIR !
sir: At yung love life mo. hindi man makulay, mukang masaya ka naman.Ikaw rin naman kasi ang may kasalanan.MARAMING NAGMAMAHAL SAYO, DI MO LANG NAPAPANSIN KASI SELFISH KA.
--
Ow ow okay okay.
Naniniwala talaga ako kay sir pero... selfishness ?
God knows, kung gaano ako katanga mainlove [[:
At.. bakit kaya hindi sinabi ni sir ang tungkol sa future ko
unlike sa mga friends ko.
Di kaya ?.... NAHHH ! hindi ako dapat mag negathingking.
------------------------------
Tinamaan ako dun sa sinabi ni kera

TOP REASONS NG PAGIGING SINGLE

· Desting Adik - bahala na ang tadhana. Ito siguro ang epekto ng sobrang panunuod ng mga fairytales, telenovela, koreanovela at mga jdorama.
· The one – nahuhumaling sa idea ng single-blessedness. Skies the limit nga naman kase. Walang magpapasakit ng ulo at puso.
· Traumatic experience – nasaktan ng bonggang bongga kaya natatakot na muling sumabak sa pag-ibig.

---
Unang una, naniniwala akong " The best things are given to those who wait"
LOL, pero ewan ko ba. Gusto ko kasi, pag sumabak ako sa relasyon masasabi kong "IT WORTH MY WAIT " [sobrang cheeeeeeeeesy !haha]
Pangalawa, may mga times naman talaga na feel na feel kong single ako, AT SOBRANG SARAP
! pero syempre may times na... errr
Pangatlo....hmmm well. This goes the about the this guy.. basta. DI KO NA SYA MAHAL, He's just a part of my life that i'll never forget" [sobrang cheeeeesy nanaman !]

Una talaga sa lahat, hindi LOVE LOVE na yan ang priority ko. Ang math, kelangan ko muna ma expertise.
Ay Tenkyu*BOW

Tuesday, September 1, 2009

Move on

Hindi move on sa relasyon !
I mean. move on na ko sa buhay.
Dapat lang.. nakapag isip isip nako.
Kelangan ko na nga magbago [[:
Parang di na swak sa edad kong disisashit na magkapa prente sa buhay.
Kelangan ko na maging responsable [ ill try pakeng hard !]

I knowwwww. hindi ko lang dapat to isinasa salita
dapat may gawa. I'll start to, I promise.
Goodbye bye bye bye bye [ mariah carrey]
Reality check na .Tama na puro kalerkohan...
-----------
Binigyan ako ng pinsan ko ng 100 duhllers !!!!!
$100 dapakengsyeit ! sanababets !
Nagulat ako.pero ambait ni insan T_T
Kasi naman... salamat sa selpon kong nagswiming sa dagat
at sa balsa na yon ! hmph, binigyan nya ng remembrans
ang malakawayan kong binti
nagkaron ako ng mga sugat at gasgas na mala
graph na nakasulat sa isang scratch.

At ngayon. BWAHAHAHAHA [insert dracula laughs here]
Mayabang nako kasi may globe tattoo nako !
Na kahit sobrang bagal at sobrang nakikiusap nako
para mabuksan nya lang ang blogspot at facebook ,
at kahit ansakit sakit sa bulsa na magpaload
OKS NA OKS LANG !
kahit itlog na pula at kamatis lang ulam ko !
haha. atleastsfoot, may nutrients yon !

At salamat dun sa japepers na yon
NAKABILI NAKO NG BAGONG SCHOOL SHOES!
at ngayon sinigurado ko ng komportable ang feetness kong malabarko
para di na ko magdudusa sa hinahaba haba ng nilalakad ko papasok araw araw.
DI NA KO TATAMARIN PUMASOK ! bwahaha

At nakabili na rin ako ng technical pen para sa drafting ko
may color pencil na rin ako na ginto ang presyo
para sa mono chromatic drawing ko.

SALAMAT TALAGA ATE CONCON .
kung binabasa mo to, tenkyu tenkyu talaga.
laki ng naitulong mo. *sob
-----
So ayun na nga.. goodbye selpon na ako..
T_T
Di bale, pwede naman ako magtext gamit ang aking tatew !

So long for now ! mi amigos, mi amigas !
Kelangan ko tipirin ang load na nandito sa tattoong itwu !

Ay tenkyu*BOW

Friday, August 28, 2009

haws layp ?

Oh well.
Sinilip ko kanina saglit ung mga nagview sakin sa fs.
urgh.
Something just caught my eye !
SANABABETS !
Si ex? Si ex nga ba?
Grrrr. Wala na kong feelings sa kanya okay ?
It's just... Basta lahat ng ex ko love ko pa rin.
I mean.. Andito pa rin sila sa heartness ko kasi kahit papano naman may pinagsamahan kami deva ?
So... Uhm.. Well.. Binasa ko yung blog nya,
Tiniis ko lahat ng salita
Bawat hagod ng letra na patungkol sa current gf nya,
Kung gaano sila kasaya, kung ano nararamdaman nya don
Na nakalimutan na nya ung long time love nya sa "bestfriend kuno" nya.
MASAKIT.OO.Kasi lahat ng sinabi nya don..
Hindi ko naranasan.Hindi nya ipinaranas sakin.
ENVY BA ITWOU ?! well. sort of.
Hays.Malaking palaisipan pa rin kasi saking yung,,
yung..yung kutong lupa na yon [[:
---
Hey Jaspii dear...Uhm... Hmmmm... Ahhhh.
Wala na ko masabi sayo.
Well.. Ano pala.
masaya pala ko sa kung anong meron ka ngayon.,
:D :D :D
no hard feelings, FRAMEEZ !
Nagulantashocksness lang ako sa mga nasight ko.
pero...
AWCH TALAGA !


Di ko na ipopost dito yung blog nya.
Baka sabihen nya naman... haha. che !
Aytenyku *BOW

Tuesday, August 18, 2009

Akalian mo yon ?!

Syempre, lahat naman tayo mabibigla na lang sa mga biglang darating na pangyayari.Un bang dapat EXPECT THE UNEXPECTED.
------
Last last week [ngayon ko lang naikwento kasi nakalimutan ko]
Dinalaw ako ni mama sa bahay ko dito sa manila
tapos may tumawag sa phone nya, syempre sinagot ko

AKO: HELLO ?
CALLER: Anjan po ba si Maria Fe Magpayo ?
AKO: Bakit, sino sila ?
Caller: ABS CBN Interractive po
AKO: [nabigla in 5 secs] teka ah, tatawagin ko .

AT NANALO PALA SI MAMA NG MOTOR SA UMAGANG KAY GANDA.
AKALAIN MO YON ?!
------
Nagkita kita kaming magkakaclasmate noong 4thyear
sa bahay nila shenshen last friday.
Onti lang kami, expected ko na un
Pero nirequest ko sakanya na iinvite nya si glenn jester, kasi gusto ko un makita
[kung di nyo kilala ung taong tinutukoy ko, puntahan nyo to]
Edi ayun na nga, pagdating ko andun na silang lahat
Sya agad ang unang una kong napansin kasi,
LUMAKAS LALO ANG DATING NYA SAKIN.
For short, lalo syang pumogi.
Kinapa ko ang damdamin ko, may natitira pa ba ?
Patay na patay parin ba ko sa taong to ?
Ewan ko, humahanga parin ako sakanya pero...
di na katulad ng dati eh ..
Binibiro ko na sya ng brutal ngayon, na dati may pagnanasa ako sakanya
AKALAN MO YON?
Dead me ever na ko sakanya.

Ayon..August 18 na ;c sa isang araw na ang 100th blog day ko.
Magpapasuprise pa naman sana ako.
Kaso wala parin akong net at nasa pagawaan padin yung laptop ko.
haysss...sayang..SA UULITIN NALANG ULIT !ciao

AY Tenkyu *BOW

Wednesday, August 12, 2009

hiktik skidyul

Hindi ako artista. WAHAHAH
pero feeling ko, kulang na kulang ang isang araw sa lahat ng ginagawa ko.
Para bang kulang lagi ang panahon at oras ko.
Puro pagaaral ang inaatupag ko [kahit onti lang natututunan ko ]
Ni wala na akong oras sa pamilya ko.
AT MGA KAIBIGAN.
---------
Ang mama ko, iniiyakan na ko na umuwi na ako sa cavite
tabi daw kami sa kama.
PERO HANGANG NGAYON DI PARIN AKO UMUUWI
since nagstart ang schooling.

Ang mga kaibigan ko
Nagtatampo na.
Kasi miski teks, hindi ko magawa.
Once in a blue moon lang ako magparamdam.
May pagkakataong may load naman ako
nakakalimutan ko lang.
Nawawala sa isip ko na may obligasyon nga palang akong magparamdam sa kanila.
MALAY MO!MALAY NATEN!
Yumaman pala sila bigla bigla, atleast di nila ako makakalimutan.
hahaha.DYOOOOOWK !
--------
Pero namimiss ko sila.
Namimiss ko lahat.
pero.
BAKIT NGA BA AKO LAGING BUSY ?!
.actualy, di ko alam.
Wala akong maisip na ginagawa kong productibo
pero nagagahol talaga ako sa oras, sa lahat ng bagay.

PANO PA KAYA KUNG MAG KA BF AKO?!
Pano ko pa hahatiin ang oras ko, kung sa sarili ko palang, sa pamilya at sa mga kaibigan, kulang na kulang as in SOBRANG KULANG. haaay

Ayon malapit na 100th day ng blog ko.
Wala pa rin ung laptop ko
kaya hindi ko mapaghandaan ung mga suprise ko ;c
how saaaaaad
Ay Tenkyu*BOW

Thursday, July 30, 2009

Tuwing umuulan

Tuwing umuulan, nagdidiwang ang mga estudyante.
KASI WALANG PASOK !HAPI HAPI NA !
Ang kaso, mga estudyante lang ang masaya.
Ay, Ung mga nagtitinda pa pala ng payong,
At mga gumagawa ng munting tulay sa mga
binabahang lugar, ung limampiso pagtawid?
--------
*Pano yung mga labanderang,
nagaalalang hindi matuyo ang kanilang sampay?

*Pano yung mga kababayan nating skwater,
Na pano kung liparin ang bubong nila na pinatungan lang ng mga gulong?
Oh magiba ang naghihingalong silong nila?
Baka bahain sila sa loob ng bahay.
At ung mga tulo sa bubong?

*Eh yung mga nakatira sa tabing dagat/ilog
Pangingisda lang ang kabuhayn nila.
Dun lang din sila nakakakuha ng kakainin.

*Eh yung mga naglalako nating kapatid
Ung kung saan saan sumusuot, makapagbenta lang ng
kama, patis, ointment, shampoo atpb.
Pano ang kakainin ng pamilya nya?

*Ung mga taong grasa at ligaw
San sila maaaring tumuloy?
Pano sila sisilong, kung pinapaalis sila ng mga establishimento?
Pano sila hihingi ng tulong kung mismong tao ang lumalayo sa kanila ?
------------
Haaaaay.
Saka ko lang narealize tong mga to
nung nasobrahan ako sa kakapantasya, kakaisip ng kung ano ano.
Nagiging makasarili na pala ko, di ko napapansin.
Palagi ko kasing winiwish na umulan pag P.E day namin
Para walang PE, yung pala madami ang nagdurusa.tsk

Sya sya, baka mawala nanaman ako ng ilang araw.
PRELIMS NAAAAAA !
Ay tenkyu *BOW

Wednesday, July 29, 2009

Lintik nga !

Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat

'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating
Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo
Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta



Shit shit shit!
Kahapon lang to nangyari, kahapon kahapon!
Pero bakit ganon ?
Habang naglalakad ako, papalapit sa school
pinapanalangin ko na kay bro na sana makita ko sya.
At presto !
Love talaga ako ni bro !
Hayun sya,at ang kyut kyut, mukang tangang nagiisa.
Gusto ko syang lapitan, kausapin.
Kaso Im shy !
At hindi ako katulad nung girls na....you know? waterbear!

Sayang, ang aga ni Sir.Pintado, di ko tuloy sya nasight ng matagal tagal.
Pagtapos ng klase, hinanap ng mga mata ko ung anghel na yon..
Kaso wala eh, baka PG na sya at naglunch na
or may klase pa.haaay
Masyado na ata akong desperada na makita sya,
Saka omigad, crush lang to.crush lang to.
Isa lang ako sa mga tinedyer na konring nakakaranas nito ngayon.

Well, kung friends talaga tayo from the start
at binabasa mo talaga ang previous entry ko
Alam mo kung bakit ako nagkakaganito.
Sign nato ng kabaliwan.
At ang kabaliwang iyon ay hindi dapat magtuloy tuloy.
Gaya nga ng sabi sa kanta ni Nelly Furtado,
"All good things come to an end"

Saka mahirap maging futuristic at assuming.
Mahirap talaga pag nasosobrahan ka sa pagigign day dreamer.
Hays..

Uhmm.. Does this post make any sense? hahaha
I just miss posting. 2weeks akong nakatenga at di nakahawak ng keyboard.
I can't help it.Kahit non sense na mga pinopost , go lang ng go. hihi
Ay tenkyu *BOW

Tuesday, July 28, 2009

Spice up

Im having a boring life.
It's been weeks since I last updated my blog.
Nalulungkot ako sa pagigign malungkot.
I mean, wala akong nararamdamang thrill.
Parang hindi umuusad ang buhay ko.
Napapagod nako kaka yosi pag wala akong ginagawa.
Nakaka almost 2 kaha ako no.
I feel so unfit na ;c
--
A lot of my friends have a healthy love life.
Oo, mejo naiinggit ako kais matagal tagal na rin akong hindi nakikipagsapalaran sa pagibig.
Namimiss ko na ring makipag wrestling kay kupido.
Pero ayokong gawing sagot sa pagigigng malungkot ko ang pagpaok sa isang relasyon.
Ni hindi ko nga alam kung sasaya ba talaga ko don.

Naisip kong uminom, you know
may pera naman ako, at hindi na nagigigpit tulad dati.
Uminom kaya ako ng isang bote pag trip ko?
But nahhh, sabi ko sa wake ni papa, di nako iinom
And im dead serious about it.
At hindi masarap ang alak, tsss.

Bar hopping crossed my mind.
Kasi may friend ako na sang party girl
at kung saan saan ako gustung hilahin para makasama nya ko sa pag gimik.
PERO DI AKO MAGEENJOY DON.
I don't drink, i hate dancing.
At ayokong makipag sosyalan, plastikan at papormahan don.
Non sense lang.
-------------------
Maaga akong pumasok kanina.
Mangilan ngilan palang ang mga clasmate ko na naghihintay na mabuksan ang pinto ng room.
Ng nakita ko sya...
I really don't believe in love at first sight.
It's bullshit.
pwede ba namang mahalin mo ang isang taong, bigla mo lang napansin?
Pero iba eh, lakas ng impact nya sakin.
He looks just an average guy, pero muka syang anghel sa paningin ko nung ngumiti sya sakin.
Damn !Hindi pala ako ung nginitian.
May kausap pala sya at animated sya sa pagkukwento.
Kung ano anong kakornihan tuloy naisip ko...
hayyyy.I was ecstatic at that time to know his name.
And sanababeach ! Kilala sya ng super friends ko !
His name is Genesis. Whew, banal ang parents !
Well, sana makita ko ulit sya bukas :)
with that smile on his face again.

Ayon.Parang nobeka ata tong bago kong entry.
Bawing bawi naba sa tagal kong nawala? haha
Amg cheesy nanaman ng blog ko :c

Ay Tenkyu *BOW

Monday, July 13, 2009

Huh? Math?

Piliy kong iniiwasan ang math.
Hate na hate ko talaga sa simula elementary.
PERO BAKIT LOVE NA LOVE NYA KO ?!
Isa sya sa major subjects ko sa cpurse ko.
Ewan ko ba kasi kung bakit gt major in architectual ang kinuha ko,
GADAMET!

MAGPEPRE-LIM NA NEXT WEEK !
At walapa rin talaga akong natututunan sa college algebra ko.
mygash, kelangan ko na ata magrosaryo araw araw.
------

Imagine na ganito ang orasan mo...
Image and video hosting by TinyPic
WTF ! Hindi talaga ito advisable sa mga katulad kong mortal enemy ang math.

Pano nalang pag super nagmamadali ka? haaaays.

photo source: htth://kalokohan.com
Ayon, nagnet lang ako para makita ung suot ni kristine reyes sa fhm finest.haha
Aytenkyu *BOW

Monday, July 6, 2009

Handa ka na ba?

Handa ka na ba sa pinaghandaan mo?

hindi ko alam kung sobrang kapraningan nanaman to, oh inaatake ako ng paranoia oh nahihigh ako sa yosi oh nabubuang ako sa boredome dito sa maynila.
--------
Pinaghihinaalan ko lahat ng mga pinaghahandaan ko , na sanhi ito ng aking mga kamalasan.Mga simpleng kamalasan lang naman.Tulad ng nadulas sa hagdan, napatid ang sandals, matapunan ng kape [saktong papasok ka na], nakalimutang magtoothbrush, mauntog sa light bulb [ayon basag] AT MARAMI PANG IBA! [lahat yan totoo, hindi kwentong barbero]

Hindi mo gets?I mean , ano..
Pag may mga bagay akong pinaghahandaang mabuti, inaabot ako ng malas. ;c
Hindi ko alam kung totoo ba tong mga iniisip ko
oh naghahanap lang ako ng masisisi
sa pagiging clumsy ko, tanga, engot at walang magawa sa buhay.
Oo..siguro ganon na nga..
PERO HINDI PARIN EH!
Feel na feel ko talaga na pag may ipineprepare ako, mapasimple man yan oh bongga o importante, minamalas pa rin ako ! hmpf! ;c
--------
Back to mny ex-crush again.
Sa sobrang kaboringan ko kahapon,
nagedit ako sa putosyap ng picture ko na naka pose ng ninoy aquino [nakapangalumbaba]
tapos may balloon na parang iniisip ko si ex-crush.
Oh diba may picture nya ko!
stolen iyon, kasi pinicturan ko sya habang nagkekwento sa mga friends nya.bwahaha.
wala siyang kamalay malay na hinahalay ko sya.ay.pinicturan pala [[:
-
Kanina ang aga ko dumating sa school, 5 lang kami nandoon, puro lalake.Mga hindi ko masyadong close.So nagchikahan kaming lahat.
Masyado akong nacarried away sa mga pinaguusapan namin kaya nung may humiram ng cellphone ko, ibinigay ko kaagad at bumalik sa pagdakdak.
NAKALIMUTAN KONG WALLPAPER PALA NG CP KO UNG INEDIT KONG PIC NAMIN NI EX-CRUSH !!!!
Ayon...Kalat na ang aking itinatagong lihim D;
INFURNESS! nginingitian na nya ko ! hahaha
PERO AYAW KO NA TALAGA SAKANYA.
kasi ayoko talaga sa lalaking may kaakibat sa cp palagi.oaras oras.arawaraw.

Ayon..Bakit ba pag gumagawa ako ng new entry ang bilis bilis ng net, pero pag magcocomment nako... :C :C :C
Aytenkyu *BOW

Friday, July 3, 2009

Buti na lang

Ganun ba talaga pag college na?
Ang mga nene ,iwinawagayway na ang kanilang....

Freshmen palang kami pero lahat na ata ngklasmates kong babae ,foundation/compact face powder na ang gamit.Samantalanfg noong highschool, polbo polbolang, ung johnsons .haha.
Tapos oras oras sila kung magretouch, nagkakapalan ang blush on, eyeliner, eye shadow at lipstick.Minsan naiiiiiiisip ko, muka na pala silang clown.mygash
--------
MEJO kuntento na ako sa pisikal kong anyo.
Thankful pa nga ako kahit di ako kagandahan, saksakan ng yaman, saksakan ng bait, saksakan ng talino saksakan ng seksi at kung ano ano pa.
Kasi alam ko, kung mamahalin ako ng mga tao sa paligid ko either kapamilya, friendship o future ka-ibigan, alam kong sincire ang feelings nila.Un bang mahal nila kung ano ako at hindi kung anong MERON ako :)
--------
Mabalik ako sa last po ko, nung july 1.
DI KO NA SYA CRUSH.haay, wala talagang tumatagal na crush sakin.
Ayoko kasi sa mga lalakeng may kakambal na cellphone :)

ayon, sa august pa pala ang aking 100th day.hahaexited lang.nagmamadali [[:
Aytenkyu *BOW

Wednesday, July 1, 2009

Super Senyales

Tipikal at ordinaryo lang akong babae.
Syempre pinaniniwalaan ko yung super senyales.
Ung tipong makakita lang ako ng kakaibang bagay
iimbentuhan ko na ng sign.
Araw araw yan.

NOON YON.
--------
July 1 na, magiisang buwan na rin pala kaming magkakasama ng mga bago kong kaklasmates.Magiisang buwan na rin pala akong HAL independent.

Kaninang umaga, may klasmate akong nagpakilala sakin.
Hindi sya gwapo.Muka syang tao, pero iba talaga ang dating nya sakin.
Matangkad, maputi at mejo chubby, nagkacrusj ako sakanya [[: [ang landi ko mygad]

Umagang umaga, buo na ang araw ko.
Angganda ganda ng umaga ko, ng maisip ko nanaman ang aking friendship na si SUPER SENYALES.


Pasakay ako ng LRT at sabi ko, pag tumapat sakin ung pinto, magiging magka-ibigan [hahahaha] kami ni klasmate Dan, kaso..
LUMAMPAS YUNG LRT SAKIN! :C
Kaya talagang naisip kong maling idepende ang takbo ng buhay ko sa nananahimik na signs na yan.Kasi hindi ako aasenso, dapat maqy mga sarili akong desisyon na masusing pinagisipan at hindi ibinase sa hokus pokus lang.
haaaaay, sayang...PAGIBIG pa naman ang tawag ko kay Dan.haha.Oh deba, F na F ko :]

Ayon, hihi.May suprise ako sa 100th day ko sa blogsphere :)

Aytenkyu *BOW

Saturday, June 27, 2009

Whatcha think?

Ngayon, as in now.Magisa lang ako dito sa bahay ng mga kamaganak ko.
Nakakamatay ang boredom pero mas nakakamatay
ang pagiging PARANOID !

first time ko kasing maiwan dito
ni mga kapitbahay di ko gaanong kilala
kaya mejo kinakabahan ako.
Baka mareyp ako, o manakawan
ng wala akong malay, mapagbintangan pako ng mga kamganak ko.

Sa isang malaking bahay na to,
7 ang pamilyang naninirahan.
Halos buong angkan ng magpayo.
So sakin nila ipinagkatiwala lahat ng mga susi nila,
na kahit nasa tindahan lang ako karay karay ko pa.
-----------------
Sa mga ganitong panahon, ayoko talaga ng magisa.
Lahat ng bagay kasi naiisip ko, kahit busy ako.
Hindi ako madaling mailihis / madistract o mabola.
O kaya naman nagkakaron ako ng tinatawag na
EMOTIONAL BREAKDOWN. Iyakin pa naman ako.
mygas ! kaya ko to

Ayan sa wakas nabasa ko na ang mga blog nyo
nakapagcomment na rin ako.Thankful ako nakahanap ako ng
REAL friends dito sa blogsphere.Saka ko na tatalakayin un.
OY SHEN NAIYAK AKO DUN SA POST MO!DUN SA MAGKAKASAMA KAYO SA SM :C

Aytenkyu *BOW

Thursday, June 25, 2009

Musmos

Galing akong SM manila kanina
Kasi bumili ako ng sketch pad, sangkatutak na pencils, at kung anek anek pa para sa monochromatic drawing ko, mahirap na, super terror ang malandi kong prof.

Nagmumuni muni na ako sa jeep, kasi traffic at umaambon.
Pinoproblema ko kung anong style ng pagtakbo gagawin ko kasi baka mabinat na naman ako..

Isip isip isip, MAY SUMAKAY NA BAGONG PASAHERO.
bata ang biglang may ipinatong na puting letter envolope sa hita ko.
ATE/KUYA pahingi lang po ako ng kaunting pera pambili ng pagkain.

Napaisip ako.Biglang dumakdak sa pinsan ko na nasa tabi ko na kesyo kung gusto nya ng pagkain, dapat iyon ang hinihingi nya hindi pera.Naisip ko pa na baka sindikato lang to at kung ano ano pang eklavu ang naisip ko.
Pero wag ka, nilagyan ko rin ng pero ung envelope.

Naisip ko kasi kung pano kung totoo na ipambibili nya?
At kung sindikato man un, atleast may ipapandagdag kita sya, para di sya magulpi ng taong mag hawak sa kanya diba?
-----
Oh ayun.Hirap ng hindi updated.Ni bagong kanta wala akong alam.Ni hindi na ako nakakapagbasa ng mga blog ng iba kong friends, at higit sa lahat .... Wala parin akong pera pang net.haha [konek?]

Aytenkyu *BOW

Sunday, June 21, 2009

H1 H2 H3

Nagkasakit ako for 4 days.
Stress - Naulanan - Pagod at walang sustansyangmga pagkain ang sanhi ng akin sakit.
Sabi nung doctor sa clinic baka may dengue or UTI ako. hmpf
Ang hirap na nga ng buhay na magisa ka
MAGKAKASAKIT KA PA! hmpf

Kaya di ako nakapagblog
at nakapaglaba .Umuulan pa.
haaaay.
syempre awa to death ang aking ina
lumuwas dito sa kamaynilaan
pinalaklak ako ng sangkaterbang gamot
masustansyang pagkain at NAGLABA. o diba bongga,

At dahil super taghirap ako sa dami ng aking bilihin
-PE uniform
-Uniform
-Books
-Drawing materials
-Chemicals for chemistry

Di ko na alam kung san pa ako kukuha ng 10piso pangnet.
Aantabayanan ko nalang ang aking mga mayayamang kapitbahay
at makikinakaw ako ng wifi nila.BWAHAHAHA.
goodluck sakin.
Aytenkyu *BOW

Tuesday, June 16, 2009

This is COLLEGE life p2.

kahapon anong oras na di pa rin ako nakakatulog.
Angingay kasi! Dami nagiinuman, pano nagkasabay sabay ang may bertdei !
Tapos biglang umulan ng sofer lakas, wa pa naman akong kumot :c
--------
Ginising nanaman ako ng selpon ko, sa saliw parin ng jennifer.
Dedma ako kasi ang sarap matulog, feel na feel ko.
Tinatamad na talaga ako pumasok.
Naninibago ako sa college life
------
Mangiyak ngiyak ako sa mga gastusin ko
di ko alam kung pano ko gagastusin wisely

Ang puRGBJHGfjfyjrx ng pinsan ko, kaaga aga nagpapatugtog ng ALL BY MYSELF ni celine dion.
Ang aga aga din tuloy nageemo ako.
Dati kasi gustong gusto kong magisa ngayon AMFNESS..
------
FAST FORWARD TO UWIAN.

anglakas ng ulan mygashness!!!
basang basa na ako
wa pa naman akong dalang payong kasi taas ng sikat ng araw nong umalis ako.
Nanalig ako kay bro eh :c

Ayun sa kanto, hangang tuhod ang baha!
Lakas ng loob ko, kala ko kaya ko ayan! feeling feelingan ako.
Namamahalan kasi ako sa 20 pesos na side car, masulong lang ang papauwi.

Buti naman mahal pa pala ako ni bro
may nagside car na batang uhugin [AY HINDI PALA, SORI ALABYU BATA]
Kasi magkalapit lang kami ng bahay, ayun, NILIBRE NYA KO!
tenks na tenks talaga dun sa batang un. hihi

Ayon, di talaga ako makapagcomments :c
bagal bagal kasi ng net dito sa shop na to.
Nagtitipid ako, kaya dito ako nagchachaga, 10 peses lang kasi per hour no!
Aytenkyu *BOW

Monday, June 15, 2009

This is COLLEGE life p1.

Lunes.3:00am
GISING PA DIN AKO.
di ako makautlog.mixed emotions.
Namamahay ako, wala akong pangsindi ng yosi.
Nagiinit nako, banas na banas nako.Anghina pa nung electricfan.
--------
5:30am
Nagalarm na ng precious selpon ko
sa saliw ng "jennifer [ata ung title" by kaikatsuna
Oh diba sinong hindi magigising non?
Nababanas nanaman ako, sirang sira ang araw ko
kasi ALMOST 3HRS LANG TULOG KO?! wtf
--------
6:30 am
pumasok nako, ANG HABA NG PILA SA GATE!
parang buong kahabaan ng baywalk!syet na malagket, palapot na ng palapot ang dugo ko, mala ketchup na!
7:15
di pa ko nakakapasok, punyemas maryang palad
late na late nako.humingi na ko ng tulong kay bro kasi baka magwala nako don.
--------
Sa 30mins kong paghahanap ng room, tamanag section nakahanap ako ng super friends na kasam ako sa paghihintay.
Pinalagnaw nila ang kumukulo at lumalapot kong dugo.
Angsaya nila kasama, TENKYU BRO.
--------
1stday na 1stday, tinambakan na agad kami ng assignment!
At masususibng pagreresearch dapat ang gawin namin.

AYOS!2hrs ang vacant ko, sulit na sulit kasi haba ng pila sa chowking!
[dun lang kasi may 40php na food.*pork chaofan]
--------
Pagbalik namin, haba nanaman ng pila, nagyosi nalang ako.
walong stick, para manahimik nalang ako.
Baka kasi ano pa masabi ko at layuan ako ng bagong super friends ko
at sabihin nila may sadimonyoness ako.
--------
CHEM1 ang susunod na subject, naghintay kami dun sa unang room na pinagklasehan namin,Ang alam kasi namin dun parin ang klase.Dahil block section kami, di kami maghihiwalay at dun sa apat ng sulok ng room na un kami magsasama.haha ANTATANGA NAMIN.

1stday na 1stday buong klase, di napasukan ang chem1 !!! OMG NA OMG!
akalain mo un?ayon, naggagalaiti ang prof namin, nagiisang babae lang banaman ang nadatnan nya sa klase nya!Lahat kami ABSENTNESS! OMG NA OMG!
--------
Ayan pagtapos ng fil , uwian na.deretcgho uwi ako kasi gagawa ako assignment, blog at TULOG NG BONGGAM BONGGA!

Ayon, ung may mga whaterver10, bukas ko na huhulaan ah.babeshing!
AYTENKYU *BOW

Sunday, June 14, 2009

Ganun talagaYH56h6uThesth

Kahit anong sabihin mo, wapakels ako.Kanya kanya tayo ng opinyon.Marahil sa ibang bagay ay tama ka, pero hindi lahat :) Desisyon mo yan, at yan ang pananaw mo.Wala ako magagawa :) Pero...Kung ayaw mo ng gantong agos ng buhay, bakit mo ikinakibat ang buhay mo sa ganitong mundo, in the first place?hihi.
-------------------
Sunday na !
Pasukan na bukas !
Aalis na sila mama ngayon !
Haaaay.Nangangapa pa ako dito sa bago kong tinitirahan.
Andami kong nalaman.Nakagilagilalas[?] .

Finufuturistic ko lagi ang buhay ko, hindi ko pinaplano pero lagi kong iniisip ang susunod na mangyayari.Ngayon, sa sobrang kapraningan ko, di ko alam kung ano ang iisipin ko.Naghalo halo ng lahat.

Para san nga ba tong tinatype ko?
Pare, walang pakelamanananananan.
Teh, wag kang imbyerna, lalawlaw cells mo, sige ka.

Ayon, naiinis ako.Buhat ng panahon.ANG INIT DITO SA MAYNILA GRABE!bat sa kabite, presko -_- .Tapos sumabay ka pa.Nakakapanlapot ka ng dugo teh.
Ayon, baka ito na muna ang huli kong post.Sa susunod nalang..ngiii.10hrs nalang aalis nako.

Saturday, June 13, 2009

This is really is it

Ayan halos katatapos ko lang mag empake.
[pasyensya na sa pic.built in cam lang ng laptop ginamit ko eh]
-------------------
Noong napagdesisyunan ko na sa manila ako magcocollege at syempre dun ako titira, eksayted ako.Ang una kong iniisip ay ung mga kalokohan ko.like...
*Makakapagyosi nako sa kwarto ko
*makakapagyosi nako sa banyo habang nagbabawas [[:
*makakapagyosi nako ng walang sasaway sakin.

PERO JOKE LANG [[: di ko iniisip ung privillages ko sa pagyoyosi.
Gusto ko kasi maging independent kaya pinili kong mamuhay muna ng magisa.
Dahil nextyear aalis nanaman ako.Pupunta akong Canada ng magisa, ako lang magmimigrate.Magaaral ako.So kelangan matuto ako..
*maglaba ng de kusot [wala kasing washingmachine sa titiran ko sa mla]
*magtipid sa kuryente at tubig.
*At higit sa lahat, diskarte sa buhay.

Mama's girl ako kaya lagi ako nakadepende sa mama ko.
Pero this time, dapat magawa ko lahat ng ako lang magisa.Bali, training ito sa susunod na yugto ng buhay ko.
-------------------
Habang naghahakot ako ng gamit ko sa buong bahay
Binigay na ni mama ang pera na gagamiten ko sa pang araw araw.Ang mga pabaong habilin ay sinabi nya na rin pero biglang lumungkot muka nya.

Maderdir: nak bakit wala kami picture sa wallet mo?
Maderdir: bat puro muka mo?
Ako: Eh ganun talaga yon, ako may ari neto eh.

kung alam nya lang, lahat ng pictures nila, pati ung kaisa isang family picture namin , nakatago sa unan ko...

Ayon, baka ito na muna ang huli kong post.Sa susunod nalang..ngiii.10hrs nalang aalis nako.

Friday, June 12, 2009

Eherm eherm !

Kakanta muna ko...
Sampung mga daliri
kamay at paa

dalawang mata

dalawang tainga
ilong na maganda...

Maliliit na ngipin

masarap kumain

dilang nagsasabi
huwag kang magsinungaling!


Yan ang kinakanta ng mama ko bago ako matulog nung bata pa ako.
So, kung 11 ang daliri ko sa kamay, edi sana ang kanya nya
"labingisang mga daliri......."

Ang nanalo po dun sa TEN TENEN TEN TEN ay si kuya HOMER at ate CHIKLETZ.ayan grab nyo na po.
*Elibs ako kay ate chikletz dahil nasagot nya agad ng tama, walang hokus pokus, isang bagsakan lang tumpak na.haha oh san ka pa.
*At kaya naman nasagot ni koya home's ang kasinungalingan ay dahil nadulas pala ako sa entry nya na favorite number ko ang 8.haha ayan nanalo ka.
------------------
At dahil may mga masisipag na nanghula rin pero di naman nakuha gaya ni....
*Paps- Hay nakerr, ilang beses ka na humula di mo parin na tumpak.haha.nekstime bigyan na kita ng clue pero wag mo sasabihen sakanila.haha

*Shen- Wag ka na magtamperroroot [[: get well soon.mwuah

*Hari ng sablay- Na sumablay nga at siguradong sigurado pa sya sa sagot nya with matching ebil laughs mali naman [[:

*Saul krisna- Na natakam pa sa award ko.haha

*Rj- Na sa cbox ko nanghula, mali pa rin naman.haha.X-links?

*Rcyan M.- Na angdami at anghaba ng sinabi nya, di naman nanghula :( x-links? :)

Eto award para sa inyo.Meron kaya neto kasi lab ko kayo :)
Ayan namigay ako ng namigay kasi di ko alam kung kelan na uli ako makakapagpost. Papunta nako ng manila bukas.hays, bye net life [[: pasukan na sa monday!grr

Wednesday, June 10, 2009

Ten tenen ten ten!

Naitag nanaman ako.
This time si fafa paps naman ang nagtag sakin.
Ang title daw nito ay KWENTONG BARBERS.
9 na totoo at isang joke joke joke lang :D

1. Kaya kong mabuhay ng kamatis, lettuce at mayonnaise lang ang kinakain.
Basta madami [[:

2. Uminom na ako ng zonrox noong deprressed ako.Last 2007.

3. Nung bata ako, kung saan saang parteii at patimpalak ako sumasayaw, ngayon.Di ko na alam kung pano imindak at iindayog ang aking katawan.

4. Noong emo days ko [hmpf] tinry ko na uminom ng baygon, sleeping pills, muriatic acid pero lahat yon HANGANG TRY LANG, HINDI KO PA INIINOM.

5. Hindi ako umiinom ng alak.Pero nagyoyosi ako

6. Isa sa mga paborito kong pagkain ay GINISANG AMPALAYA with super daming kamatis.

7. Galit ako sa mga pusa.Pero hindi ako pumapatay non.

8. 11 ang aking daliri sa kamay.

9. Malungkutin akong tao, bihira ngumiti. pero halagpakan kung tumawa.

10. Kaya ko yung laro ng oreo sa noo.Ung magmemake face ka para bumagsak sa bibig mo.
in 2mins :D :D

At dahil gusto ko rin may award ang makakatumpak ng barbers jan, gagayahin ko si fafa paps.
[hihi, oh debah kasing cute ko ang badge :D ]
Itina-tag ko po ito sa lahat ng magcocomment :) babanatan ko ang hindi susunod. [dyok!]
EXEMPTED SI SHEN-SHEN DITO !!! [che, kilala mo ko sa tunay na buhay malamang alam mo ang sagot]
Hangang friday nalang po ito kasi aalis nako.

Intense

Anglakas ng impact nitong kantang to sakin...Di ko alam kung bakit.
Di rin naman ako nakakarelate, dahil unang una HINDI AKO BROKENHEARTED.Single and super available ako kaya hindi bagay sakin tong kantang to.
Basta ILOVEIT!


[Ayan youtube na lang, nyemas na imeem yan ]

Sabihin - Zelle
Bakit wala ka pa? kasama ka'y parang nag-iisa
Pangakong magmamahal, aalis ka rin pala

Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para di na maghintay
Sabihin mo na kung aayaw ka na
Para lang malaman ko
Hmmm...

Naririnig mo ba ako?
Sigaw ko ba'y walang tinig
Nakaya kong walang imik
Naririnig naman ako

Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para di na maghintay
Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para lang malaman ko
Hmmm...

Iiyak na lang...
Iiyak na lang...
Hey yeah hey yeahhee...

Bakit wala ka pa?
Naririnig naman ako

Sabihin mo na kung babalik ka pa
Para di na maghintay
Sabihin mo na kung aalis ka na
Para lang malaman ko


Oh diba?Kanta to para sa mga nageemo sa pagibig.MYGESH!ANG KATI!
Ayon, nashare ko lang :)

Tuesday, June 9, 2009

Happy fathers day

July 22, 2008 10pm
Nakikipag kulitan ako sa chat, nakikipagpalitan ng comment sa friendster at nageeidt ng kung ano ano.Wala akong nararamdamang kakaiba.Swak ang araw na to, maayos, mapayapa.

Akala ko lang yon...Nagulantang ako ng biglang lumabas si mama sa kwarto, pabalibag na binuksan ang pinto sabay sigaw ng "KAMILLE ANG PAPA MO PATAY NA RAW".

..........errrr......SHOCK.Wala.Totally devastated lang ako.Tulala at di alam kung iiyak, sisigaw o kung anuman.
Di manlang naabutan ni papa ang graduation ko.Angdaya naman ;c
-------------------
Kanina, nanonood ako ng MAY BUKAS PA ni santino.
Pinagmamalaki nila ang kanilang mga ama....
Nalungkot ako.Naiiyak ako.
NAMIMISS KO NA ANG PAPA KO..
At the age of 44, kinuha na siya ni papa God....Haist.
Di nya lang alam miss na miss ko na sya.
Lalo na pag nakikita ko ung tito ko na kamukang kamuka nya. At pag timitingin ako sa salamin, naaalala ko siya...

Ang papa ko na pinagpilitang magtrabaho sa Africa, kahit maysakit sya sa puso.Mapag aral lang kaming magkakapatid sa pribadong paaralan, para lang makakain kami ng 3 beses sa isang araw, para lang guminhawa kahit papano ang buhay namin.
-------------------
Nagsisisisi ako dahil nung mga araw na magkasama kami
Hindi ko nasabi sakanya na mahal na mahal ko siya
na magiingat siya doon sa ibang bansa, na lagi niyang iinumin ang gamot niya.
Sana pala Kahit ILOVEYOU nagsabi ako sakanya habang buhay pa sya.

Kaya kayo, icherish at itreasure nyo mga tatay nyo.
Kasi buti pa kayo, may tatay.... :c


Andyokdyok

Kausap ko ang isang common friend until wee hours of night.
Nakakabore at wala na kaming mapagusapan
ng naalala ko yung legendary joke ko na naadopt ko mula sa ex ng pinsan ko 5years ago [[:

------------------

Kaye Cayy [:: Ano ang english ng atis.
Maximilyanooo: Aba malay ko sayo! may english ba yon?
Kaye Cayy [:: Oo naman, haller.
Maximilyanooo: Eh di ko nga alam.
Maximilyanooo: Sirit nako
Kaye Cayy [::Ang english ng atis ay MANY SEEDS
Kaye Cayy [::Ano ngayon ang english ng malunggay?
Maximilyanooo: Uhmmmm...
Maximilyanooo: MANY LEAVES?
Kaye Cayy [:: Wow may common sense ka pala!
Kaye Cayy [:: dyok!haha
Kaye Cayy [:: So ano ngayon ang english ng pinya?
Maximilyanooo: syempre!
Maximilyanooo: edi MANY EYES!

ROFLMAO [[: akalain mo un, many eyes ang english ng pinya?
TANDAAN: ANG ENGLISH NG PINYA AY PINEAPPLE


Ayon nashare ko lang.kasi laping awt lawd talaga ko. [[:

Monday, June 8, 2009

Why why skyflakes part2

Kumain nanaman ako ng skyflakes kanina sa almusal.
Nakatatlo ako [[:
Still, nagtataka pa rin ako kung bakit lahat ng letter K
sa skyflakes ay nakacaps.
Nagsearch uli ako sa google kung may maipapaliwanag na siyang dahil ng letter K na yan.
Eto ang mga naging resulta.

Basketbawful He could have benched him, or told his player not to do it. ..... Usage example: Kareem's "An Open Letter to Wilt ChumperLame" was pure ...... Today's slobbery presentation of man love was provided by Basketbawful reader Sky Flakes. ...... a program that proclaimed L.A. to be the "Basketball Capital of the World. ...


ANO ANG IBIG SABIHIN NG SILENCE NI KARYLLE SA ALLEGED PREGNANCY NI ...
kahit anong sabihin mo, mas me breeding si karylle kesa k marian. mas pipiliin ko .... OA naman yang open letter na yan…ang cheap ha!kahit sino naman puedeng ...... anyway, its our life and what is there for us to do except have fun ...... at nababasa ko natuturn off ako sa kanya. sa skyflakes commercial nya akala ...


Bakit ganyan ang mga spelling nila?
Ano ang kinalaman ng pag "mamasterbait" , "basket bawl", at ni "karylle" dito sa skyflakes?
--------
*Sabi ni paps 54 daw ang butas ng skyflakes.
54 nga ba? ikaw na ang magbilang :D

*Ang skyflakes daw ang karaniwang kinakain ng nagpupumilit na pumayat at sumeksi, ung salat buto na [[:

*Ang skyflakes raw ay isa sa ga pagkaing pangmaysakit.Magkalevel sila ng lugaw.



Basta kapag alam nyo na ang sagot, at may facts pa kayo tungkol sa skyflakes, sabihin nyo lang sakin [:

Saturday, June 6, 2009

Hay nako

Tinatapos ko ang pageempake ko ng mga damit,
burloloy, ekek at mga remembrance ko, luluwas na nga kasi ako ngayon sa maynila.

Sa monday pasukan na ,di pa ko ready.
Parang ang aga, ayoko pa.
Natatakot ako sa college [[:
--------
Nag ol ako sa ym.Papaalam lang ako saglit sa mga friends ko kasi nga wala ako net sa titiran ko.

Nagpm si Shen, Sa 15 pa daw ang pasok ng mga universities at colleges sa buong Pilipinas, sabi sa flash report.
At dahil hindi ako makapaniwala nagsearch ako sa net.
Eto lumabas.

MANILA, Philippines — Citing the A(H1N1) threat, the Commission on Higher Education (CHED) announced Saturday the postponement of the opening of classes in colleges and universities to June 15.

CHED Chairman Emmanuel Angeles said the one-week period will give enough time for self-quarantine for students who came from abroad.

“Ang dahilan dito ay marami tayong foreign students na nag-aaral sa ating bansa na nanggagaling sa iba't ibang bansa na merong mga swine flu victims (The reason for this is that there are many foreign students and students who came from countries that are exposed to swine flu)," Angeles said on government-run dzRB radio.

He said the rescheduling of the classes will give them time for self-quarantine.

Earlier, De La Salle University suspended classes for one week after some students tested positive for A(H1N1). The A(H1N1) threat also prompted other universities to postpone classes.

Angeles said a second reason for the postponement is the inclement weather in past days.

He said a third reason is that many parents of college students could not raise enough money to pay tuition. June 15 falls on a pay day and may give them time to pay tuition.

“It will not adversely affect the schedule of classes," Angeles added. - GMANews.TV

SOURCE

Friday, June 5, 2009

Self pity

Karaniwang nangyayari sa nagseself pity-ing babae..

May isang pangyayaring magiging malungkot ka.
At dahil upset, manghihina ka..pero di ka pa iiyak..

Pagdating mo sa lugar na magisa ka na lang
[o pag matutulog ka na, nakahiga at nagmumuni muni nalang]
maiisip mo na ang MAIN problem mo.
Maliit man o malaki, basta naaaaaawa ka sa sarili mo.

Paglupasay at ngarag na MAIN problem mo,
maiisip mo na lahat ng MILD problem mo.
Bakit angb buhok ko straight hindi kulot, bakit ang aso ko hindi shitzu, bakit ang kuko ko sa paa nalalagas, bakit ang boyfriend ko hindi mayaman, bakit ang cellphone ko 3310 lang ,bakit ang itim ng kili kili ko, bakit ang lipstick ko hindi avon etc..etc...
at ung pagkababaw babaw pa na PROBLEMA para sayo.

At dahil nagseself pity ka na ng bongga, papalapit ka na sa STRONG problem mo.Pero bago yon, iisipin mo ang mga bagay na nonsense.[SYEMPRE KASI NAKAKAAWA KA NGA EH!]
Bakit walang nagmamahal sakin, bakit yung boyfriend ko lagi akong niloloko, bakit yung magulang ko ang mga kapatid ko lagi ang pinapaboran, bakit bakit bakit.
At lahat na ng bagay maiisip mo, wala ka non.

Tapos na ang part na ikaw na ang pinaka walang kwentang tao..
Maiisip mo naman ang mga taong nakakahigit sayo.
Bakit sya, ang pogi ng boyfriend nya, bakit andaming nagmamahal sakanya, bakit ang ganda ng bahay nila, bakit yung sapatos nya advan.,
At ahat na ng tao, naicompare mo na sayo.

Hindi pa tapos ang lahat.iiyak ka ng walang humpay.
Maiisip mong wala kang kwenta, at bakit ka pa nabuhay.
At dahil sobrang NAKAKAAWA KA maiisipan mong magpakamatay.
Multiple choice ang pagpapakamatay:
a). Hindi ka pa masyadong ready, next time na lang.
b). Hanap ka muna ng mataas na building.
c). Mapurol na ang blade mo, kakahit mo ng kilay.
d). At kasi tumatatak sa isip mo ang kakilala mo na nagpakamatay, naglaslas pero hindi tinuloy kasi daw masakit .


Pagtapos mong magself pity, pakakalmahin mo sarili mo.
Iinom ka ng tubig dahil sobrang dami mong naiyak, wala ka ng iiiyak bukas.
It's either matutulog ko o kakain ka, para makalimot.
--------
Walang idinudulot na maganda ang pagseself pity.
Para ka lang may hawak na pala at nagbungkal ng lupa, ang matatagpuan mo lang ay BULATE.
--------
Para sakin ang kapal mo kung magseself pity ka samantalagang angdaming taong mas burden pa ang buhay kesa sayo. UN LANG.
[pero sabagay, lahat naman ng tao nararanasan at napagdadaanan yan]

Ayon naishare ko lang.Naiinis kasi ako [[: grabe grabe.Saka sana alam ko kung pano mag mukang kawawa ang mga lalake [[: YEHEY BUKAS PAKO AALIS!

Thursday, June 4, 2009

Wala akong balat sa pwet no !

Kahapon, noong ng pa-banat ako ng buhok
may biglang sumabog, malakas.
Umulan din ng malakas, nawalan ng tubig at ilaw.
ANG MALAS KO, dahil kelangan i-blower
at hot oil ang buhok ko.syempre kelangan din banlawan.
--------
Pumunta kaming expressions sa waltermart
bibili nako nung filler ko para wala nakong iisipin.
May dinampot akong filler na may muka ni spongebob
sabi ko sakanya "teka lang babalikan kita, wag kang aalis"
pagbalik ko, saktong may dumampot, deretcho sa counter !
--------
Pauwi na kami, ng magteks ang tito ko kay mama
"May AH1N1 virus na sa lasalle taft"
Susmaryosep sasntisimaginoong anak ng sanlibutan nga naman!
Walking distance lang ang bahay namin sa DLSU !
Kaya si mama, di mapakali, ayaw pa ata akong paalisin !

naisip ko naman...
Kung oras ko, oras ko na.Tumabi man ako jan sa foreign student na yan na may swine flu, kung itinakdaq ba ni lord na mahawa ako, mahahawa ako.Wala pa daw lunas ung sakit, if ever dqapat pakong mabuhay, ililigtas ako ni Bro at may mangyayaring himala. [ang drama ah]

Ayon, naishare ko lang [: syet!Bukas aalis nako.Bye net world na [[:

Tuesday, June 2, 2009

Exchange

Bakit nga ba pag nakaranas ka ng saya
may kapalit itong sakit. [at vice versa]

BILOG NGA ANG MUNDO.
--------
Kakauwi ko lang galing sa bahay ni shen
dun ako natulog kasi...wala lang [:

Angsaya ko at nakita ko uli ang mga kaklase ko
noong 4thyear.haaay, college na kami!
Pumunta kami sa bahay nila Pat kasi betdei nya bukas
naginuman sila , at ako ay nagyosi ng walang humpay
dahil di naman ako umiinom[[:
--------
Paguwi ko kanina, kung anong anong rebelasyon
ang sinabi sakin ni mama.
Mygesh, nakakahimatay.Inaantok pa naman ako.
Dahil kulang ako sa tulog, gusto ko na lang mag collapse.

naisip ko lang, parang kahapon lang ang saya ko
ngayon...... putvb564u89457bdgjkdfvhcfsdfg !!!

------------------

Lahat ng bagay may kapalit.
Lahat ng bagay may hangganan.
Kaya minsan, naiisip ko, bakit pa kelangan maging masaya kung in the end malulungkot ka rin naman.

Sabi ng kakilala ko " Alam mo na ngang may kapalit at hangganan ang bawat bagay, edi ienjoy mo na habang nanjaan pa.Pag wala na, tanggapin mo nalang, kasi diba nga "LAHAT NG BAGAY MAY KAPALIT"?Darating din ang lahat sa tamang panahon"

naks!totoo nga naman, kesa naman kumulubot ka na ng hindi mo manlang naranasang sumaya.
Eh bakit yung papa ko, isang taon ng chugi, walang parang kapalit na maganda?
puro nga burden nangyayare samin :) [bitter]


Ayon lang,nashare ko lang, actually wala akong maisip na bagong topic sa entry.Gusto ko lang sulitin ang pagsusulat kasi sa friday sa manila nako titira kasi pasukan na.Walakong net don :)