Tuesday, June 9, 2009

Happy fathers day

July 22, 2008 10pm
Nakikipag kulitan ako sa chat, nakikipagpalitan ng comment sa friendster at nageeidt ng kung ano ano.Wala akong nararamdamang kakaiba.Swak ang araw na to, maayos, mapayapa.

Akala ko lang yon...Nagulantang ako ng biglang lumabas si mama sa kwarto, pabalibag na binuksan ang pinto sabay sigaw ng "KAMILLE ANG PAPA MO PATAY NA RAW".

..........errrr......SHOCK.Wala.Totally devastated lang ako.Tulala at di alam kung iiyak, sisigaw o kung anuman.
Di manlang naabutan ni papa ang graduation ko.Angdaya naman ;c
-------------------
Kanina, nanonood ako ng MAY BUKAS PA ni santino.
Pinagmamalaki nila ang kanilang mga ama....
Nalungkot ako.Naiiyak ako.
NAMIMISS KO NA ANG PAPA KO..
At the age of 44, kinuha na siya ni papa God....Haist.
Di nya lang alam miss na miss ko na sya.
Lalo na pag nakikita ko ung tito ko na kamukang kamuka nya. At pag timitingin ako sa salamin, naaalala ko siya...

Ang papa ko na pinagpilitang magtrabaho sa Africa, kahit maysakit sya sa puso.Mapag aral lang kaming magkakapatid sa pribadong paaralan, para lang makakain kami ng 3 beses sa isang araw, para lang guminhawa kahit papano ang buhay namin.
-------------------
Nagsisisisi ako dahil nung mga araw na magkasama kami
Hindi ko nasabi sakanya na mahal na mahal ko siya
na magiingat siya doon sa ibang bansa, na lagi niyang iinumin ang gamot niya.
Sana pala Kahit ILOVEYOU nagsabi ako sakanya habang buhay pa sya.

Kaya kayo, icherish at itreasure nyo mga tatay nyo.
Kasi buti pa kayo, may tatay.... :c


7 comments:

  1. kii [serious mode muna ]
    salamat sa POST mo na realize ko
    na dapat nga I SHOULD SAY I LOVE YOU MORE OFTEN
    ang init kase lage ng ulo ko kay papa ewan ba
    pero oo nga mahirap mag sisi sa huli tenks tenks

    ReplyDelete
  2. tama ka cayy...

    erpat ko naman namatay sya nitong january lang, pero di ako masyadong nalungkot, 12 years kasi syang naghirap mula nung ma-stroke sya, mas naaawa ako sa kanya kapag nakikita kong nasa wheel chair lang sya at hindi makatayo, kaya nung kinuha na sya ni Bossing nalungkot ako pero at the same time nagpasalamat na rin dahil natapos na rin ang paghihirap ni erpat ko..

    ReplyDelete
  3. nkakalungkot naman yun.

    ako naman erpats ko 14yirs ko ng di nakikita sa personal, nasa abroad din kasi.

    mswerte ako buhay pa erpats ko.salamat sa post mo na ito... :)

    ReplyDelete
  4. i feel you.. i dont have a dad too... pero un akin buhay pa, yata. ewan. ^^ isipin mo nalang Cayy isa lang ibig sabihin nun, un tatay mo mabait. at nafulfill na niya purpose niya kaya God took him from you. you still have a mom to love though. wish u all the best sis. :)

    ReplyDelete
  5. Shen- ganun naman talaga eh, di mo alam ang worth ng tao habang anjan pa.Swerte ka anjan pa ang papa mo.

    Kuya tonio- 12years?!Naman, sumalangit nawa ang kaluluwa ng iyong ama.Malay naten naghahappy happy sila ng papa ko sa itaas.hehe

    ReplyDelete
  6. Kuya sabs- 14years?Bakit antagal?
    Yah swerte ka, may itayness ka pa :)

    Sis Yza- Hindi mo alam kung buhay pa sya?Nye, edi hindi mo rin alam kung mahal mo sya?Haaaay, angsaklap naman ng ganyan.
    kthx sis, Anggaling nga ng mama ko eh, mala superwoman.

    ReplyDelete
  7. Madalas kami mag-away ng tatay ko. Pero siya talaga ang pinaka-idolo ko sa lahat ng tao. Kaya di ako nahihiya na halikan siya sa pisngi tuwing misa o bago matulog sa gabi.

    Sana nga lang naging mabuting anak ako sa kanya.

    At sa iyo mareng cayy cayy, I know na proud ang tatay mo sa iyo. :)

    ReplyDelete