Thursday, June 25, 2009

Musmos

Galing akong SM manila kanina
Kasi bumili ako ng sketch pad, sangkatutak na pencils, at kung anek anek pa para sa monochromatic drawing ko, mahirap na, super terror ang malandi kong prof.

Nagmumuni muni na ako sa jeep, kasi traffic at umaambon.
Pinoproblema ko kung anong style ng pagtakbo gagawin ko kasi baka mabinat na naman ako..

Isip isip isip, MAY SUMAKAY NA BAGONG PASAHERO.
bata ang biglang may ipinatong na puting letter envolope sa hita ko.
ATE/KUYA pahingi lang po ako ng kaunting pera pambili ng pagkain.

Napaisip ako.Biglang dumakdak sa pinsan ko na nasa tabi ko na kesyo kung gusto nya ng pagkain, dapat iyon ang hinihingi nya hindi pera.Naisip ko pa na baka sindikato lang to at kung ano ano pang eklavu ang naisip ko.
Pero wag ka, nilagyan ko rin ng pero ung envelope.

Naisip ko kasi kung pano kung totoo na ipambibili nya?
At kung sindikato man un, atleast may ipapandagdag kita sya, para di sya magulpi ng taong mag hawak sa kanya diba?
-----
Oh ayun.Hirap ng hindi updated.Ni bagong kanta wala akong alam.Ni hindi na ako nakakapagbasa ng mga blog ng iba kong friends, at higit sa lahat .... Wala parin akong pera pang net.haha [konek?]

Aytenkyu *BOW

7 comments:

  1. anong style nga ba ang ginawa mo sa pagtakbo? haha

    pareho tayo, maawaain sa mga bata, nung nakaraan ako din humuhingi sila ng pamasahe daw pauwi kasi naliligaw sila, eh nakapanglakad sila, sabi ng barkada ko sindikato daw perp nag abot pa din ako..

    ReplyDelete
  2. teka magkano binigay mo?sayang yun pang net na sana,lols biro lang.

    ReplyDelete
  3. haha! onga tama si hari dapat pinang-net mo na lang. haha! (salbahe amp!)

    pero ngaun alam naming surviving ka pa din dyan. :D

    ReplyDelete
  4. Ok lang yan. Ang mahalaga may bangs ka sa avatar mo. peace! :)

    Tama yun dapat pagkain hinihingi nila, hindi pera. mahirap kaya nguyain ang barya. hayz

    ReplyDelete
  5. hahaha ayun oh nakahanap din ako ng kapwa blogger na nag rerent lang ng computer sa internet shop... hahahahaha laking pera na ang naubos ko dahil sa kaka blog... uy magaling ka na ba? wow mabait ka pala sa mga bata... don't worry sa pasko jan ko papupuntahin mga inaanak ko sa house niyo... wahahahaha.

    mag uundercover ako sa pasko eh

    ReplyDelete
  6. kawawa nman u.. pero oks lng yen! mabait nman u! hahaha

    ReplyDelete
  7. Hi..heloO pOh, pwe bumati???

    "Hi sa nanay at tatay ko diyan sa amin
    at sa mga kapitbahay ko, kumusta na kayo!?
    Mabuhay tayong lahat!! : )

    Yun lng..Salamat ng marami.."NAPADAAN"

    ReplyDelete