Friday, June 5, 2009

Self pity

Karaniwang nangyayari sa nagseself pity-ing babae..

May isang pangyayaring magiging malungkot ka.
At dahil upset, manghihina ka..pero di ka pa iiyak..

Pagdating mo sa lugar na magisa ka na lang
[o pag matutulog ka na, nakahiga at nagmumuni muni nalang]
maiisip mo na ang MAIN problem mo.
Maliit man o malaki, basta naaaaaawa ka sa sarili mo.

Paglupasay at ngarag na MAIN problem mo,
maiisip mo na lahat ng MILD problem mo.
Bakit angb buhok ko straight hindi kulot, bakit ang aso ko hindi shitzu, bakit ang kuko ko sa paa nalalagas, bakit ang boyfriend ko hindi mayaman, bakit ang cellphone ko 3310 lang ,bakit ang itim ng kili kili ko, bakit ang lipstick ko hindi avon etc..etc...
at ung pagkababaw babaw pa na PROBLEMA para sayo.

At dahil nagseself pity ka na ng bongga, papalapit ka na sa STRONG problem mo.Pero bago yon, iisipin mo ang mga bagay na nonsense.[SYEMPRE KASI NAKAKAAWA KA NGA EH!]
Bakit walang nagmamahal sakin, bakit yung boyfriend ko lagi akong niloloko, bakit yung magulang ko ang mga kapatid ko lagi ang pinapaboran, bakit bakit bakit.
At lahat na ng bagay maiisip mo, wala ka non.

Tapos na ang part na ikaw na ang pinaka walang kwentang tao..
Maiisip mo naman ang mga taong nakakahigit sayo.
Bakit sya, ang pogi ng boyfriend nya, bakit andaming nagmamahal sakanya, bakit ang ganda ng bahay nila, bakit yung sapatos nya advan.,
At ahat na ng tao, naicompare mo na sayo.

Hindi pa tapos ang lahat.iiyak ka ng walang humpay.
Maiisip mong wala kang kwenta, at bakit ka pa nabuhay.
At dahil sobrang NAKAKAAWA KA maiisipan mong magpakamatay.
Multiple choice ang pagpapakamatay:
a). Hindi ka pa masyadong ready, next time na lang.
b). Hanap ka muna ng mataas na building.
c). Mapurol na ang blade mo, kakahit mo ng kilay.
d). At kasi tumatatak sa isip mo ang kakilala mo na nagpakamatay, naglaslas pero hindi tinuloy kasi daw masakit .


Pagtapos mong magself pity, pakakalmahin mo sarili mo.
Iinom ka ng tubig dahil sobrang dami mong naiyak, wala ka ng iiiyak bukas.
It's either matutulog ko o kakain ka, para makalimot.
--------
Walang idinudulot na maganda ang pagseself pity.
Para ka lang may hawak na pala at nagbungkal ng lupa, ang matatagpuan mo lang ay BULATE.
--------
Para sakin ang kapal mo kung magseself pity ka samantalagang angdaming taong mas burden pa ang buhay kesa sayo. UN LANG.
[pero sabagay, lahat naman ng tao nararanasan at napagdadaanan yan]

Ayon naishare ko lang.Naiinis kasi ako [[: grabe grabe.Saka sana alam ko kung pano mag mukang kawawa ang mga lalake [[: YEHEY BUKAS PAKO AALIS!

4 comments:

  1. naka based din ako dito..

    sana naman mabasa to ni Jin, madalas kasing nag seselfpity yun eh, parang kawawa sya sa lahat. hehe

    ReplyDelete
  2. Panong nakabased?

    Sino si Jin?Haha, bigla ako natakot -_-

    ReplyDelete
  3. hahaha.. parang klasmeyt ko nung higschool,, iiyak sa likod ng pinto ng room namin, may hawak ng gunting sasabihin na "wala ng nag mamahal sken." nung minsan inaawat nmen, kaso OA na, pinabayaan n nmen. haha

    ReplyDelete
  4. OA talaga no!Maryosep, GUNTING?!Ang chaka ng drama ah [[:

    ReplyDelete