Thursday, July 30, 2009

Tuwing umuulan

Tuwing umuulan, nagdidiwang ang mga estudyante.
KASI WALANG PASOK !HAPI HAPI NA !
Ang kaso, mga estudyante lang ang masaya.
Ay, Ung mga nagtitinda pa pala ng payong,
At mga gumagawa ng munting tulay sa mga
binabahang lugar, ung limampiso pagtawid?
--------
*Pano yung mga labanderang,
nagaalalang hindi matuyo ang kanilang sampay?

*Pano yung mga kababayan nating skwater,
Na pano kung liparin ang bubong nila na pinatungan lang ng mga gulong?
Oh magiba ang naghihingalong silong nila?
Baka bahain sila sa loob ng bahay.
At ung mga tulo sa bubong?

*Eh yung mga nakatira sa tabing dagat/ilog
Pangingisda lang ang kabuhayn nila.
Dun lang din sila nakakakuha ng kakainin.

*Eh yung mga naglalako nating kapatid
Ung kung saan saan sumusuot, makapagbenta lang ng
kama, patis, ointment, shampoo atpb.
Pano ang kakainin ng pamilya nya?

*Ung mga taong grasa at ligaw
San sila maaaring tumuloy?
Pano sila sisilong, kung pinapaalis sila ng mga establishimento?
Pano sila hihingi ng tulong kung mismong tao ang lumalayo sa kanila ?
------------
Haaaaay.
Saka ko lang narealize tong mga to
nung nasobrahan ako sa kakapantasya, kakaisip ng kung ano ano.
Nagiging makasarili na pala ko, di ko napapansin.
Palagi ko kasing winiwish na umulan pag P.E day namin
Para walang PE, yung pala madami ang nagdurusa.tsk

Sya sya, baka mawala nanaman ako ng ilang araw.
PRELIMS NAAAAAA !
Ay tenkyu *BOW

4 comments:

  1. ayoko ng umuulan.. :)) hahaha... busy talaga si cayy!

    ReplyDelete
  2. sige na nga ayaw ko ng umuulan. gusto ko may pasok lagi.

    wawa naman sila. lols

    ingat po lage

    ReplyDelete
  3. Sana kahit umuulan pwede akong hindi pumasok sa ofis. Hayz. :)

    ReplyDelete
  4. pano yung mga single? nagiging emo silang tuwing umuulan bwahahaha

    ReplyDelete