May 6 09
Ai grabe!Sabi ni mama 4:30 gigisingin nya ko para mga 5 something punta na kaming manila kasi nga enrollment na sa 7.Exited ako na kinakabahan.Natatae pa nga ata ako.haha
-So dahil hindi ako sanay matulog ng maaga, 3:30 nako nakatulog at 6 nako nagising.
Handa nako, namimili na lang ako ng shirt na sosuotin, katok na ng katok si mama na halos ngarag ngarag na ung pinto ko, kaya sinuot ko na ung nadampot kong damit na naka hanger.
Pagsuot ko, mejo me naramdaman akong nakakakiliti, na masakit .Iniisip ko baka dahil sa lotion kasi fitted ung damit ko [anong konek?] edi tsineck ko ung bandang kili kili ko, at anak ng salbakuta, ANDAMING LANGGGGGGAM!Badtrip i hate langgam pa naman, lalo na ung pula!Grabe puro pantal tuloi ako.
-Sumakay na kami ng bus, angganda nung palabas, hindi ko na napansin kung biyaheng lawton o baclaran lang yon, basta prente akong nakaupo at nanonood nung blah blah about wolverine.Anak naman ng talipandas, biyaheng baclaran pala yon edi sumakay pa kami, pa lawton.Hindi naman lumiko pa quirino!Nakakahenes!Edi naglakad kami ng bongga ni mama habang ang lakasng julan at ung baha eh swak na swak sa pantalon ko!
-So pumunta na kami sa office ng tito ko, sabi nya kasi dumaan muna kami doon bago ako dumiretcho ng TUP.Anak ng tokwa naman ngayon, wala na si tito.Hindi na maaabala kasi puyat yon, kakauwi lang meaning katutulog lang din.Wala rin si ate bhell na dapat sasamahan kami sa kachenembulin sa TUP.
-So dahil sa binibiro kami ng tadhana ni mama, hindi na namin alam ang saskayan namin paalis don.Edi nag taxi kami kahet sakit sa bulsa.anak ng talipandas naman na drayber itech, kung saan saan kami inikot!Nakarating na ata kami sa kung saan bago makarating ng TUP.
-So andun na kami.Hindi ko alam gagawen ko, bawal pala nanay nanay na karay karay don, edi ako eh naglakas loob, diridiretcho akong pumasok sa interview room, umupo agad sa silya nung umalis na ung nakaupo, un pla akelangan pa pumila.So dahil trip nga kami ng tadhana, saktong upo ko don, lunch break naman!Edi binigyan akong namber, ung pinaka huli, kasi huli naman talaga ko.
-So tapos na kami maglunch sa Sm Manila, Pagdating ko naman puno na ng tao.Wala nakong maupuan,At ako lang ang nagiisang nakatayo.Oha diba, saya?Nung sa wakas eh nakaupo nako, ung isa sa mga nagiinterbyu eh lumabas, tinanong isa isa ang kors namin, nagtataka naman ako bat wala manlang ako kaparehas na kors.
Nung mapatapat na sakin si mr.tangkad proud na proud kong sinabi kors ko,
Ako: GT po!
Ser: Hmm, patingin nga ng test permit mo ija
Ako: [inilabas ko] eto po.
Ser: Ay ija , ang 3year course ay sa 11-13 pa ang enrollment at interbyu, ano ba nangyari sayo at hindi mo nakita yun sa bulletin board?Pakicheck mo nalang uli ineng
Ako: [walkout, simangot , sa loob loob "ta.gna nyo, nakita ko sa bulletin board 8 ang enrollment, mga pu.ingina ninyo]" sabay iyak]
Badtrip.
Badtrip.
Badtrip.
Pumunta kami sa kamaganak namin sa fidel reyes, nakasimangot parin ako.
Wala ako kinausap , ni hindi ako nag mano sa mga lolo at lola ko.
Kahit me bumati saken inisnab ko lang kasi ang sama sama talaga ng loob ko.
Naggagalaiti talaga ko, pu.angina talaga. badtrip.
_____________________________________
Wala nang nagtangkang kausapin ako.
Biglang dumating si nyckl, ung pamangkin kong...uhm..auti.
Nginitian nya ko ng ubod ng tamis
lumapit sakin at inistretch ang kamay nya para yakapin ako.
Feeling ko non, naiintindihan nya ko, sabi nya lang " tita"
tapos kiniss nya ko sa cheeks.Ay grabeng bata to, napangiti ako!
Wala na, di nako badtrip [:
His simple touch and kiss swept the bad emotions away.
Haaaaay.Sayang na bata, Bakit pa nagkasakit ng, you know.
He's a beutiful boy.tsk,
3 years ago
Good luck sa college. :D kahit badtrip ang unang tagpo I'm sure magiging masaya ang mga susunod. :)
ReplyDeleteSalamat.haha
ReplyDelete