Saturday, May 9, 2009

Hokus pokus

Nag ka ULCER ako. this week lang.
Dati pinagdadasal ko sa lahat ng santo na magka ulcer ako.
Kasi ung pagkakadescribe nila saken eh hindi ka makakakain..onti lang
So naengganyo talaga ko sa ulcer na to, kasi papayat ako dito.

TAYMPERS!MALI MALI!

Akala ko okayy pero hinde!T O R T U R E ! ! !
kakalam ang sikmura mo ng wild, parang babanatan kapa kasi kelangan nila ng laman.
So lalamon ako.errrr kain lang pala.Gatiting lang ang makakain mo, pag nasobrahan ka, wild nanaman ang chan mo, parang babanatan ka nanaman kasi andami ng laman.Para syang sasabog, ung iipitin mo talaga.

Kahit tulog ka, gigisingin ka ng pagkagutom.NAKAKAINIS!Ayoko pa naman ng gatas.

So to the reskyu ang lola kong hokus pokus.
Eto ang scientific explanations nya kung bakit ako nagkakaganto.

1. Papgpupuyat.
Bampira daw ako ako matulog, gising sa gabi, tulog sa umaga.Pangarap ko daw bang mag call center?Ung may mga graveyard shift?haha

2.Sobrang pagLAMON
So dahil malalaki ang aking mga kaha, malalaki ang imbakan ko ng fooooooods!
Paglamon din ang favorite kong sport at hobby.haha

3.PagLAMON sa di tamang oras.
Eh kasi nga, magigising ako ng kung anong oras, 3 in 1 na ang mga kinakain ko.
Almusal-Tanghalian-Miryenda.Minsan Hapunan na ko nagigising.

4.Puro daw ako juice
HUH?Anong konek ng juice sa ulcer?

So ayan ang mga scientific explanations ng lola ko.
Siguro pinangarap nya magdoktor noong unang panahon.

*OMIGAS, ayan na , naaamoy ko na ang mahiwagang langis ni lola!hihilutin nito ng katakuttakot ang tyan ko!OMIGAAAAAAS!ayan na.......................!
Image and video hosting by TinyPic

2 comments:

  1. Haha.. Huwag kang mag-alala, siguradong gagaling ka sa pahid ni lola. :D

    ReplyDelete
  2. hmmmm ingat ka kasi... don't worry gagaling ka din... pero honestly super sakit nian... ang hapdi sa tummy...

    ReplyDelete