Sunday, May 31, 2009

Binaon ko sa limot, lumitaw parin

Matutulog nako ng 4pm, ng bigla ko naalala si Jester [di tunay na pangalan]
pers time kasi nanligaw ng lalaki. [hindi naman actulay niligawan ko talaga, pero parang ganun na nga.haha]
--------
Classmate ko siya nong 4thyear hs ako. [pero 2ndyear ko pa siya kilala, hindi ko lang napagtutuunan ng pansin kasi busy ako gumarutay that time.haha]
Para kasi syang loner.
Laging malungkot ung mga mata nya. eh ayaw ko ng ganun!
tapos wala syang matinong girlfriend
yung magpapabago sakanya..a girl who'll bring the best out of him.
Then, para syang kulang sa kalinga
Son ng filing filingan ako, ginawa kong responsible ang sarili ko na baguhen sya.
--------
Araw araw akong hindi kumakain ng recces, makapag paload lang
may makausap lang sya lagi
kasi nga minsan lang sya magsalita sa room
so kahit nasa room kami, sa text parin kami naguusap.
Mahirap sya iapproach ah!Nilalapitan ko sya
nginingitian at binabati, inaaway ko rin ung mga classmates ko na binubully sya.
actualy para na kong nakakatandang kapatid
or nanay na nagtatanggol sa kanya.

I offered him myself, na babaguhen ko sya
gagawin ko syang tao [[: I mean, ipapakita ko sakanya kung gaano kasarap magmahal at mahalin.
Ayaw nya, hmpf.He rejected me.Natuwa ako ng onti kasi gentle dog sya este man.
--------
Akala ko nung una, pity lang ung nararamdaman ko.
Pero hindi, nafall ako, lalong nagurge ung kagustuhan kong mapabuti sya.

One day, isang araw, nalaman ko nalang na may gusto sya dun sa friend ko [ xmate din namin]
To think na, sakanya ako nagpapalakadpara maging friendship talaga kami ni Jester.
--------
Si meng[di tunay na pangalan] actualy may steady bf sya, pero pinatulan nya si Jester.
So lalo akong naawa at nagalit kayMeng.Friends kami, pero bakit ginaganon nya si Jester, alam naman nyang special ung tao sakin, ANG SARAP NYA BUNUTAN NG B*LB*L!

Pinabayaan ko sila, nagmove on ako kay Jester, umiwas ako kahit super hirap
kasi nasa apat na sulok ng kwarto lang kaming 3.
Nagkaron sila ng on and off relationship.Hindi succesful, hindi masaya.
--------
Pinagtapat sakin ni Meng na boring na boyfriend si Jester.
Walang thrill at parang hindi mo boyfriend, kasi sa teks lang umikot ang buong pagsasama nila.
Ni hindi nga sila naguusap sa room.

Naawa nanaman ako kay Jester, pero hindi ko na sya nilapitan.
Tama na eh, sobra na, nagawa ko na ung part ko, inayawan nya edi fine!waterbear!
--------
Bago matapos ang school year, madami kaming get together magkaka classmates kami maghihiwalay na kami ng landas sa college.

Okayy na kami ni Jester, Nagbibiruan at nagkekwentuhan na.
Sana lang...Ngayon bagong yugto na ng buhay namin
May babaeng magmamahal sakanya ng TOTOO,
ung papabutihin sya, ung pasasayahin sya...SANA LANG.

ayon naishare ko lang ]:

Saturday, May 30, 2009

5 facts

On the rescue si ate jelai dahil wala talaga akong naiisip na topic
para sa new entry ko, buti nagtag siya.Tagged people in her blog roll.
Eh andun ako :D kaya eto na yon.

5 Facts

1. Hindi ako nakakatulog ng walang bulak sa tenga ko.Kasi natatakot ako namay pumasok na insecto or something.Dapat din may unan akong "hotdog" .Ung pahaba?

2. Mahilig akong manood ng gore/morbid/bloody movies.Wala ,ewan ko, autistic ata ako.haha.Saka halos lahat ng pinapanood ko ay more on cannibalism.Ung mga Chainsaw mnassacre/Wrong turn..pero ang favorite movie ko ay THE NOTEBOOK at THE LAKE HOUSE

3. Kulot talaga ako pramis.Mga kamaganak/kapitbahay/school-classmates ko lang nakakaalam.Kasi palagi akong may kaakibat na hair iron,baha.Sinusumpa ko talaga ang buhok ko.

4. Marunong akong magluto.Kahit ano pwede ko lutuin para sayo, kung hindi ko man alam yon, dapat may kaakibat akong cook book.Pero hindi ako marunong maglaba.Hate na hate ko.

5. Ipinangalan ako kay "Camille Prats" at "Kaye Abad".Kasalukuyan daw akong ipinagbubuntis ni mama ng sumikat ang ANG TV ba yon?Pero ginawang K ang Camille kaya naging KAMILLE. [wag mo na itanong kung san ko hinugot ang Cayy]

Ayon lang.Pinapasa ko tong tag na to sa lahat ng followers ko :D

Friday, May 29, 2009

SHET NGA!

Ako ay kasalukuyang nananahimik...
painom inom na lang ng kape habang pa basa basa ng mangga.
NG BIGLA AKONG GAMBALAIN NG AKING MGA MAHAL NA KAIBIGAN SA YM.

Exodus: Cayy panoorin mo to
Cayy [:: Bakit ano yan?
K haye: basta tignan mo!
Exodus: Maganda yan pramis!
Cayy [:: Ano ba to?
Cayy [:: Sana diba sinasabi nyo?
Exodus: Trailer ng movie.
Cayy [:: Geh penge link.
K haye: Basta foreign to eh.
Exodus: http://www.flurl.com/video/5496822_comments.htm
Cayy [:: Pag to di maganda babanatan ko kayo.
Cayy [:: Nananahimik buhay ko eh.
K haye: Tignan mona kaya
Cayy [:: kk weyt


Dahil masunurin akong kaibigan
PINANOOD KO!at walanjoooo!
Lahat na ata ng mura nasabi ko..!
Nung nasa sukdulan na, kasalukuyan akong umiinom ng aking kape.
NABUGA KO TULOY SA MONITOR!wawa naman si monitor.
HMPF!walangyang mga kaibigan.brutal!

ETOLINK NUNG PINANOOD KO . linklink
WARNING!
HINDI NAKAKATUWA YANG VIDEO NA YAN.
Di yan pwede sa mababa ang tolerance ngpandidiri.
Di pwede sa sukahen.
PINAPAYO KONG, WAG NA WAG KANG KAKAIN HABANG NANONOOD NYAN.
Kung nais nyo pa pong ipagpatuloy ang....
Sabihen nyo lang sakin...

Ayon naishare ko lang.wala sanang magalit [[: freedom of speech lang ho.LIBRE REACT :D

Thursday, May 28, 2009

Sala sa init, Sala sa lamig

Habang binabasa ko ang entry ni ate jelai
Napapaisip ako sa mga pinag usapan namin
dati ng pinasan ko...

Bakit nga ba may mga babae na antagal magpaligaw.
yun bang pinapaabot ng isang taon?
Meron naman, mabilis pa sa isang oras.
MYGESH, may mga babae talagang moderno na
at may utak-panahong-maria-clara pa.
--------
May mga kakilala ako, pag nililigawan
kung kumilos sila nung guy, eh parang sila.
Ang nasa isip ko naman, bat pa pinapatagal yan
kung maglambingan kayo, daig pa mama at papa ko
andami nyong ek ek!

May kakilala ako, ung pinsan nya
mahilig makipag trial&error relationship.
naks ah, parang math lang ah.
Pero ganun daw talaga sya, hindi sya playboy, stick to one
nga actualy eh, pero dahil sa hindi nga sya
marunong manligaw, dinadaan nya sa bilis ung girl
pero ittry lang muna nila, kung click ang relasyon.
--------
Sa dalawang yan, oks lang sakin.
Pag nageffort ka, aba okay!makikita ko
kung anong ibubuga mo.Maipoprove mo sakin
kung worth ka bang maging jowaers ko.

Pero.......
Mas matimbang ang trial relationship sakin.
Parang mas gusto ko, na itry nalang muna sa guy
kung click na maging kami.kung hindi, edi okay
friends ang pakikitungo ko sakanya
at di ko sya ituturing na ex, dahil nagkasubukan lang naman kami.

Ayon naishare ko lang.

Monday, May 25, 2009

Alone [shining shining!]

Nung thursday, umalis sila mama.
Magisa lang talaga ako dito sa houseness namin.
sanay ako magisa, tuwang tuwa nga ako lagi pag magisa ako
kasi magagawa ko lahat ng gusto ko, walang sisita.
Pero bigla ako napraning. for the first time, bigla ako natakot na tumira dito ng magisa [[:
--------
Di ko masasabing legal akesh magyosi
so dahil gusto kong magyosi, nakakagawa ako paraan.
sa madaling araw, pag bulagta na silang lahat.

Dahil magisa ako, pwedeng pwede nako magbubuga
there, here and everywhere.
ehh pero hanggat maaari, ayaw kong makita ako ni mama
nakakahiya.mahihiya ako sa sarili ko.
pinalaki nya ko maayos tapos magshoshow ako sakanya
ng styles kung pano ako magbuga ng usok?NEVAAH!
--------
konting ingay, bigla ako nagugulat.
manlalamig at bibilis ang heartbeat ko.

lalo na sa madaling araw, ung bigla nalang
hahanging, tapos lalamig.minsan thankful ako kasi ang inet eh!
tapos biglang may kakaluskos..
ngiii..paranoid nako.mahirap na.baka reypin ako dito [[:
o kaya pagnakawan kami.baka kahit nakahimlay nako
banatan pako ni mama pag nawala mga ari arian namin [[:

May mumu naman talaga dito samin
[ayon sa paniniwala ko at paniniwala ng pamilya ko]
Feeling ko naman, lahat ata ng bahay meron
sadyang deadma lang kasi bahay mo yon,
antagal mo ng nakatira don ng hindi mo sila inaaano
kaya bakit ka matatakot?

--------
Walang mama, na bungangers at tagapagluto.
Walang lolo at lola na taga jutos
Walang mga kapated na nagraratratan
IM SO FREE! and im so praning na!

Pag ako nagsasaing, 2 is to 2 [[:
kasi ayoko ng sabog sabog na kanin
gusto ko mala biko, ung malapit na
onti nalang lugaw na?pero korting kanin parin! [may kort ba un ang kanin?]

3 beses nakong napanisan ng pagkain ]]:
sayang na sayang talaga as in sayang!
Ang shunga shunga kom inuuna ko kaadikan ko sa pc
di ko pala sila nailagay sa ref.

*ung sinaing kong 3gatang, napanis, nag water water na sya
*ung pancit na bigay ng kapit bahay, napanis den, inisnab ko kasi
*ung binili ni mama na ulam ko, eh curry pala.ayon, panis din
ANAK NG SANLIBUTANG BUHAY TO OO.

-------
bumalik si mama ng saturday [sya lang] at umalis uli sya noong araw na yon.
sabi nya makikiramay lang sya sa pinsan kong nadeads [sumalangit nawa]
at dahil nagpaalam sya sakin ng kagigising ko lang
di ko naitanong kung kelan balik nya dahil lutang pa ang isip ko.

nafifeel kong ngayon araw na ito, or bukas.
baka anytime dumating sila, hindi ako ready
at gulantangin nalang ako ng EAT BULAGA!
kaya kada may dadaang trycycle at sasakyan dito sa kalye namin
napapatayo ako, tingin sa bintana. *punas pawis pag wala pala

pag may dadaanan nanaman at mukang kahina hinala
bibitbitin ko na ang ashtray ko sabay takbo sa basurahan
linis bakas ng kalokohan, mahirap na.
--------
lintik na elektrikpan to!
bigla gumalaw ng onti ung elisi.
imposible namang hangin lang yun?
wacha think?


AYON, nashare ko lang uli. masabi lang na nagupdate ako.haha para bongga!

Friday, May 22, 2009

Apilido

9am na at hindi pa rin ako natutulog , nabobore nako kaya nagisip ako ng magagawa.
Sinearch ko sa google ang aking precious name, kasi baka may kapalangan ako
ifefriendship ko sya kung nagkataon!Kaso wala
Pero andami kong nakitang kaapilido ko!Nagulat ako eberr kasi hindi naman pangkaraniwan ang apilido ko gaya ng reyes, quirino, trinidad, dela cruz, de leon, de guzman, de guinto, de..de.. atbp.

So shempre pinagtitignan ko lahat ng nakita kong Magpayo
at nagsend akong email.Ang kapal ng fesko, tanungin kung san sila nakatira
pano naging ganon apilido nila, kilala ba nila si ganito si ganyan.

At herpes!Napalaban ako ng bongga sa english!
Nakipag balitaktakan ako sa mga "kamaganak ko".

Sa totoo lang hindi ko talaga kilala si TIYA DELI MAGPAYO.
Sikat pala sya!OMGAS!Nung namatay sya "sumalangit nawa"
saka ko lang nalaman na tita ko pala sya
oha!bonggacious!nakiramay kami sa kanyang lamay
Sayang nga lang , nung nandon ako saktong wala ang abs at gma
di tuloy sila naka discober ng bagong artista!
[wag kokontra, ako bida dito]

Kakasearch ko, andami kong nakilalang "kamaganak ko"
May taga basilan, pampangga, nueva ecija, tarlac, bohol etc etc!
Grabe, international kami!Meron din sa hmmm, ngiiii, shhh [nebermind nalang]

--------------------
COMMERCIAL!
Gusto ko pag namatay ako hindi RIP ang nakalagay.
dapat BRB . lols

ayun lang, naishare ko lang.libre violent reaction XDD
maya tulog nako, muka nakong zombie

Wednesday, May 20, 2009

Tigas kasi ng bumbunan

Nakngteteng na mga lamok to
trip na trip paa ko!
sa buong katawan ko, sa paa lang talaga sila nagsi sipsipan ng precious bloods ko!mygas!

Binilan ako ni mama ng off lotion na nasasang sangan ako sa amoy
kasi hindi sya scented, kaya tinatamad akong magpahid. hmpf

--------

Naman.Kung kelan ako meron, kung kelan naman kami
biniyayaan ng kapit bahay naman ng sangkatutak na coke in can.
BADTRIP!Kasi bawal daw sa may menstruation ang uminom ng softdrinks.

onti lang .utang na loob
isang lagok lang....pleaaaaaaaaaaaaaaaaaase T_T
SAKTO!Walang ibang tao dito sa bahay
nag sm sila at iniwan ako [kagigising ko lang kasi]
nagbukas akong isang coke, nakatatlong lagok. STINING!tama na!sobra na!

--------

Balik nako dito sa harap ng trono ko.
binabasa ko ang blog entry ni kuya bino
halagpakan nako sa tawa habang walang tigil ako sa
kapapaligo ng alchohol sa paa ko kasi andami talaga lamok
na tumatambay sa aking feetness.

*natatakam ako sa softdrinks.
nalalasahan ko parin ang tamis nito.
grabe keri ko pa ba.

at ayon, nadampot ko ang alchohol na nasa tabi ko
NAKAINOM AKO NG ALCHOHOL!
buti bumalik nako sa realidad na hindi softdrinks ang ininom ko
kungdi ALCHOHOL!thankyou papa God at hindi ko sya nalunok.

ayon na share ko lang uli :)

Mahalimuyak

Angsakit sakit ng puson ko kahapon
un pala magkakaron nako
[naks, apter 5months nagkaron nako!]
nako, pakilinis ang utak, nagiging berde!irregular lang talaga ako no



Edi syempre, takbo agad sa banyo
sa kamalas malasan naman,walang syampoo at conditioner.
Edi nag sisigaw nako, at ng natapos na ang pakikipag balitaktakan ko kay mama
inabot na nya sakin ang kanyang precious syampoo and conditioner.

Hindi ito kilalang brand.Isa ito sa mga bigla nalang umusbong den PRESTO!
grabe, hirap na hirap akong pisilin ung tube.
PARANG AYAW MAGPAGAMIT NUNG SYAMPOO AT CONDITIONER!

tapos natawa ako sa amoy nila.
ung syampoo ang flavor nya ay peppermint
nangamoy doblemint at vfresh ang aking hair.

ung conditioner naman ay citrus and mango flavor.
anak ng teteng, feeling ko gumamit ako ng
multivitamins ,grabe!amoy incrimin, tiki-tiki at cherifer ung conditioner

ANG RESULTA...
Nangamoy Aircon bus/taxi ang buhok ko.
Oh, diba bongga!

Ayonnnnn
wala lang, naishare ko lang [[:


Monday, May 18, 2009

PEACE on earth

Bakasyon.Puyatan.Walang mapagkakaabalahan.BORING.
Salamat kay khaye at inintroduce ulit saakin ang TRISTANCAFE.COM
Naadik nako kakaforum at 4-6am nako nakakatulog..
10 hrs ako natutulog, so syempre habang tulog ako
kumikilos na ang kanya kanyang sibilisasyon dito samen.

-Sa likod ng bahay namin may sangkatutak na mga baboy.
at pagkinakay na sila, walang humpay na EEEEK, EEEEEEK EEEEEEEEEEEK ang naririning ko.

-Sa harapan namin may pamilya na hindi ata nabubuhay ng hindi nagvividideoke.At palumaan sila ng kanta.Ang lagi kongnaririnig ay "Sa isang larawang kupas, ay aking nasilayang muli ang aking lumpas..."

-Sa Kanang tabi namin bakanteng lote, kaya madaming bata ang naglalaro.Palaging may nagbabasketball.

-Sa kaliwang tabi naman namin ay 10kataong pamilya na pag nagaway ay mag world war3.Anjan yung basagan ng kung anong madampot.

-At hindi nagpapahuli ang mga kapatid ko, itinayo nila ung swiming pool sa likod ng bahay namin.

Grabe.Habang natutulog ako, naiiyak nalang ako ke lord, bakit wala akongmaramdamng peace on earth.ang gusto ko lang namang gawin ay matulog eh. T_T naman eh.

Saturday, May 16, 2009

Sa wakas !

Sa wakas enrolled nako!
Pero dyahe, ampanget ng sked ko.

Monday
7am-4pm
11am-1pm ang natatanging vacant

Tuesday
7am-4pm
11am-12pm ang natatanging vacant

Wednesday
7am-5pm
1pm-2pm ang natatanging vacant

Thursday
9am-4pm
12pm-1pm ang natatanging vacant

Friday
8am-3pm
12pm-1pm ang natatanging vacant
Walang pasok sa saturday
Sunday
8am-5pm ROTC

Oh diba heavy?
Exited nako sa pasukan!June 8 !malapit na!
Pero......
Ang nagiisang pangamba ng isang freshmen ay ang kawalan ng kakilala.
Bagong salta ka sa mundong yan, sino ang magiging kaibigan mo?
Hindi naman yon mahirap hanapin, o makita
Pero syempre, sa dami ng maiisip mo, tuluyan ka ng magiging paranoid or the worst MABABALIW KA.
----
Pagkatapos kong magenroll, hinanap ko ang building ko, ang CR, canteen, at inalam ko lahat ng building para hindi ako muka kawawa sa mga susunod na araw na papasok ako sa napiling kong unibersidad at matawanan ng old students dahil sa kawalang muwang ko.

At dahil kinarir ko ng bonggang bongga ang college, sa whole enrollment process ay naghanap nako ng friendships!

May nakausap rin naman ako.May suplada, mayrong pagtinanong mo, sasagot, pero di ka manlang titignan, mayroong nakakwentuhan mo na ng bongga dahil sa haba ng pila pero pagkatapos ng lahat hindi na kayo uli magkakilala.O diba, nakakahenes.haha

At dahil baby pako, at ayaw ako pabayaan ng mama ko, karay karay ko sya sa lahat ng bagay na nanyare sa enrollment ko.Ma-PR ang mama ko kaya andami ng nasagap na friendships, at sows maryosep, anggaling pumili ng friendships ni mama!Ampopogi ng anak nila!So naging friends ko rin sila, at kinuha nila number ko.haha
[hoi hindi ako flert! *depensib]

O sya kauuwi ko lang, kaya ayan lang ang maipipiga ko sa utak ko.
Magchcharge na muna ako ng celepono baka tadtad nako ng teks!
Image and video hosting by TinyPic

Saturday, May 9, 2009

Awkward.


Bakit ba kelangan pa magshave ng kile kile?
Dyahe kasi.Pero sabagay, nakakahiya
At ampanget tignan pag kandahaba ng buhok mo sa kile kile.

Nakakalorkey, tapos kapal ng fes mo mag super spaghetti strapped or bonggangs sleeveless tapos magtataas ka ng leki-leki mo?OMIGAS, hindi naman sa ano, matatawa talaga ako ng halagpakan pag nakakita akop ng ganito.Un bang malagubat na ang buhok?haha

*aaminen ko, may mga araw na hindi ako nagsheshave kasi nakakatamad.haha
sikret lang naten to ah?shhhhhhhhhhh


Image and video hosting by TinyPic

Hokus pokus

Nag ka ULCER ako. this week lang.
Dati pinagdadasal ko sa lahat ng santo na magka ulcer ako.
Kasi ung pagkakadescribe nila saken eh hindi ka makakakain..onti lang
So naengganyo talaga ko sa ulcer na to, kasi papayat ako dito.

TAYMPERS!MALI MALI!

Akala ko okayy pero hinde!T O R T U R E ! ! !
kakalam ang sikmura mo ng wild, parang babanatan kapa kasi kelangan nila ng laman.
So lalamon ako.errrr kain lang pala.Gatiting lang ang makakain mo, pag nasobrahan ka, wild nanaman ang chan mo, parang babanatan ka nanaman kasi andami ng laman.Para syang sasabog, ung iipitin mo talaga.

Kahit tulog ka, gigisingin ka ng pagkagutom.NAKAKAINIS!Ayoko pa naman ng gatas.

So to the reskyu ang lola kong hokus pokus.
Eto ang scientific explanations nya kung bakit ako nagkakaganto.

1. Papgpupuyat.
Bampira daw ako ako matulog, gising sa gabi, tulog sa umaga.Pangarap ko daw bang mag call center?Ung may mga graveyard shift?haha

2.Sobrang pagLAMON
So dahil malalaki ang aking mga kaha, malalaki ang imbakan ko ng fooooooods!
Paglamon din ang favorite kong sport at hobby.haha

3.PagLAMON sa di tamang oras.
Eh kasi nga, magigising ako ng kung anong oras, 3 in 1 na ang mga kinakain ko.
Almusal-Tanghalian-Miryenda.Minsan Hapunan na ko nagigising.

4.Puro daw ako juice
HUH?Anong konek ng juice sa ulcer?

So ayan ang mga scientific explanations ng lola ko.
Siguro pinangarap nya magdoktor noong unang panahon.

*OMIGAS, ayan na , naaamoy ko na ang mahiwagang langis ni lola!hihilutin nito ng katakuttakot ang tyan ko!OMIGAAAAAAS!ayan na.......................!
Image and video hosting by TinyPic

Thursday, May 7, 2009

There's always a sunshine after the rain

May 6 09
Ai grabe!Sabi ni mama 4:30 gigisingin nya ko para mga 5 something punta na kaming manila kasi nga enrollment na sa 7.Exited ako na kinakabahan.Natatae pa nga ata ako.haha

-So dahil hindi ako sanay matulog ng maaga, 3:30 nako nakatulog at 6 nako nagising.
Handa nako, namimili na lang ako ng shirt na sosuotin, katok na ng katok si mama na halos ngarag ngarag na ung pinto ko, kaya sinuot ko na ung nadampot kong damit na naka hanger.
Pagsuot ko, mejo me naramdaman akong nakakakiliti, na masakit .Iniisip ko baka dahil sa lotion kasi fitted ung damit ko [anong konek?] edi tsineck ko ung bandang kili kili ko, at anak ng salbakuta, ANDAMING LANGGGGGGAM!Badtrip i hate langgam pa naman, lalo na ung pula!Grabe puro pantal tuloi ako.


-Sumakay na kami ng bus, angganda nung palabas, hindi ko na napansin kung biyaheng lawton o baclaran lang yon, basta prente akong nakaupo at nanonood nung blah blah about wolverine.Anak naman ng talipandas, biyaheng baclaran pala yon edi sumakay pa kami, pa lawton.Hindi naman lumiko pa quirino!Nakakahenes!Edi naglakad kami ng bongga ni mama habang ang lakasng julan at ung baha eh swak na swak sa pantalon ko!

-So pumunta na kami sa office ng tito ko, sabi nya kasi dumaan muna kami doon bago ako dumiretcho ng TUP.Anak ng tokwa naman ngayon, wala na si tito.Hindi na maaabala kasi puyat yon, kakauwi lang meaning katutulog lang din.Wala rin si ate bhell na dapat sasamahan kami sa kachenembulin sa TUP.

-So dahil sa binibiro kami ng tadhana ni mama, hindi na namin alam ang saskayan namin paalis don.Edi nag taxi kami kahet sakit sa bulsa.anak ng talipandas naman na drayber itech, kung saan saan kami inikot!Nakarating na ata kami sa kung saan bago makarating ng TUP.

-So andun na kami.Hindi ko alam gagawen ko, bawal pala nanay nanay na karay karay don, edi ako eh naglakas loob, diridiretcho akong pumasok sa interview room, umupo agad sa silya nung umalis na ung nakaupo, un pla akelangan pa pumila.So dahil trip nga kami ng tadhana, saktong upo ko don, lunch break naman!Edi binigyan akong namber, ung pinaka huli, kasi huli naman talaga ko.

-So tapos na kami maglunch sa Sm Manila, Pagdating ko naman puno na ng tao.Wala nakong maupuan,At ako lang ang nagiisang nakatayo.Oha diba, saya?Nung sa wakas eh nakaupo nako, ung isa sa mga nagiinterbyu eh lumabas, tinanong isa isa ang kors namin, nagtataka naman ako bat wala manlang ako kaparehas na kors.

Nung mapatapat na sakin si mr.tangkad proud na proud kong sinabi kors ko,
Ako: GT po!
Ser: Hmm, patingin nga ng test permit mo ija
Ako: [inilabas ko] eto po.
Ser: Ay ija , ang 3year course ay sa 11-13 pa ang enrollment at interbyu, ano ba nangyari sayo at hindi mo nakita yun sa bulletin board?Pakicheck mo nalang uli ineng
Ako: [walkout, simangot , sa loob loob "ta.gna nyo, nakita ko sa bulletin board 8 ang enrollment, mga pu.ingina ninyo]" sabay iyak]

Badtrip.
Badtrip.
Badtrip.
Pumunta kami sa kamaganak namin sa fidel reyes, nakasimangot parin ako.
Wala ako kinausap , ni hindi ako nag mano sa mga lolo at lola ko.
Kahit me bumati saken inisnab ko lang kasi ang sama sama talaga ng loob ko.
Naggagalaiti talaga ko, pu.angina talaga. badtrip.

_____________________________________


Wala nang nagtangkang kausapin ako.
Biglang dumating si nyckl, ung pamangkin kong...uhm..auti.

Nginitian nya ko ng ubod ng tamis
lumapit sakin at inistretch ang kamay nya para yakapin ako.
Feeling ko non, naiintindihan nya ko, sabi nya lang " tita"
tapos kiniss nya ko sa cheeks.Ay grabeng bata to, napangiti ako!
Wala na, di nako badtrip [:
His simple touch and kiss swept the bad emotions away.

Haaaaay.Sayang na bata, Bakit pa nagkasakit ng, you know.
He's a beutiful boy.tsk,







Image and video hosting by TinyPic

Wednesday, May 6, 2009

Palamuning walang kwenta.

COMMERCIAL : PG13.Kung ano man ang mababasa mo, wag na wag mong tularan,.Isang napaka korning post lamang to.
__________________________________
Addict ako sa yosi.
Kahit san ako pumunta meron akong kaakibat na lighter at yosi.
Kung wala man, kahit saan naman ako lumingon may yosi.

YOSI - SIGARILYO - CIGARETTE - VITAMINS.
Hindi ako mabubuhay ng hindi ako nagyoyosi miski isang stick lang sa isang araw.
Ewan ko ba, alam kong mali pero kahit anong mangyari, hindi na sya maalis sa sistema ko.
WAG MO AKONG IJUDGE DAHIL WAKAPAKELS.pis
___________________________________________
1styear hs ako ng magsimula ako magyosi.
Alam mo kung baket?
ang explanasyon ko lang jan eh, nahawa ako sa kabataang nagnanais na maging astig, yung magmumukang malufet, na ang pananaw eh pag tarantado ka, sasantuhen ka.
ANG GANDA NG PANANAW KO DIBA?PANG DRUG/GANG LORD!haha
At dahil astig ako, first day na first day, nakikumpol ako sa sino sinong sikat sa skool namin para masabing astig, sikat, malufet, at matapang din ako. [ang galing ko diba?]
Pag papasok nga ako ballpen lang dala ko.Walang bag.
Diretso agad sa tambayang tindahan para magyosi at magpalitang walang kakwenta kwentang petix na katulad ko rin ang gawain.
Actualy kasi ganto yan.Napapasok ako don dahil sa classmate kong finrendship ako.Kilala sya sa campus kasi maganda sya, kung sino sino ang boyfriend at walanjo sa pagaaral.Pinakilala nya ko sa tropa nya at binigyan ako ng yosi.
Anak ng salbakuta, inaaay kupu, pano ba magsindi ng yosi?Pano ba to?
So tinuruan ako.Syempre sa una hithitbuga lang ako, di kalaunan, tinuruan ako ng pinsan ko ng tamang pagyoyosi.
OH DIBA HAME KONG TEACHERS?!
At syempre dahil pasikat ako, gugutumin ko sarili ko, makabili lang ng DJ MIXX at CAPRI.oha

2ndyear hs nako ng lumipat ako ng pribadong paaralan dahil sinisisi ni mama ang pagpapasok niya sakin for the pers time sa publik na kaya daw nagkanda leche leche ang buhay ko ay dahil don.
So ayun na nga.Di natapos ang pakikipagbakbakan ko sa pagigigng ASTEEEG.
Kahit saang inuman noon, present ako!Ako ang tangera at may sagot sa kwento.
Dun ako kumerengkeng at naranasan ko na ata lahat ng type ng boylets.
Wild ako oo, pero mas wild talaga ako noong 1styear.

3rdyear hs ako ng tumino ako.Nakilala ko si *mark [may kwento sya sa pulp summer slam8 post ko] at tumino ako.Dito ako naging rakista at dahil sikat ang emo, emo ako.hahaha.
Ayun na nga, dahil nakick-out at lumipat na ang iba kong buddies sa katarantaduhan ay bumait nako.Nakilala ko sa taong to ang bespren kong si Leng na ubod ng bait na kahit maldita ako at lagi ko syang inaaway eh iniintindi nya ko.

4thyear
hs ako ng ubod ko ng bait.May bisyong yosi, ngunit di na talaga ako umiinom.
dito ko naranasan ang pinaka masakit kong heartache.
Sa taong ding to namatay ang papa ko *tears* at nakilala ko ang talagang mga tunay kong kaibigan.
dito ko masasabi hubog na hubog na ako dahil sa panahon na andami dami kong pinagdaanan.dito sa panahong to ko naranasan mamuhay ng BABAENG BABAE.

AYJUICEKO!kinuwento ko na ata buong highschool life ko!
Eh ang main idea ng post kong ito ay yosi!
So ayun, hangang ngayon di ko parin tinitigilan ang bisyo kong to.
Dati talagang naglalakad nalang ako pauwi dahil bumili ako nong hulugan na mga libro kung pano tumigil sa pagyoyosi.sa dami ng binili ko pwede nako magtayo ng library! [weh?exag ka ah]
Naisip ko, pagtungtong ko ng 40, ititigil ko na ang pagyoyosi.
Kasi un na ang critical health stage ko eh.Patitinuin ko na talaga buhay ko non.

ten tenen tenen *ifuturistic ang buhay 30years from now
Image and video hosting by TinyPic

Tuesday, May 5, 2009

Crazy!As in K R E I Z I E ! !

Malungkot ako ngayon.
Bakit?Ewan, halo halong emosyon, problema, ideya
At mga bagay na walang katuturan at hindi na dapat iniisip.
Gusto ko magchange ng mood.
Gusto kong sumaya, ung ngiti ko na abot hangang bumbunan.
Eh ang makakagawa lang non eh...
- ang mga klasmeyts ko especially ang grindays.
- ang mga pinsan ko na walang puknat ang green jokes.
- ang papa ko na walanja magpatawa
- at funneh vids.

Taena bored na bored na talaga ako.
Naisip kong manood nalang ng sangkatutak na illusions ni Cris Angel, kaso ayokong bumagal ang browser ko dahil sa youtube.
Naisip ko ang current hobby ko ngayon,
MAGBASA NG BLOG.
sa kakabasa ng kung kani kaninong blog , kung ano ano ang nakita kong
magpapa LAPING AWT LAWD sakin.
ayjuskoday, buong sistema ko ata, kumembot kakatawa !

PAALALA : BAKA HINDI NYO MAGUSTUHAN ANG INYONG MAKIKITA.Eh baket ba, sa natatawa ako jan eh.walang pakelamanananasjhsarfukaetgoiwt4iogbrmn



SOURCE:
http://chuvaness.livejournal.com/
http://www.ayenthology.tabulas.com/
http://rakista.com

Sa totoo lang, ayoko ng mga edited "funny pic kuno" ni pacquio.
HINDI NYA AKO DIE HARD FAN!
Nakakahenes lang kasi.basta nahehenes ako!

*sa mga walang puknat na taga edit ng pic ni pakyaw para maging "funny" eh, if I know, proud kayo na pilipino kayo kasi isa sya sa mga taong nagbibigay ng karalangan sa ating bansa.
Image and video hosting by TinyPic

Monday, May 4, 2009

Why why sky flakes?

Kumakain ako ng skyflakes kanina ng mapansin ko ang balot nito..
Bakit ba ang mga letter K sa skyflakes ay naka caps?
Tinry ko isearch, at eto ang mga kung anek anek na lumabas.

One day, I asked Mom, "Why do my shoes keep eating my socks? .... begins with the letter K. (Kalabaw) Brainless : Kuto! MC : Mali! ...... said the minimum wage in the National Capital... The short gaps in between these mealtimes are spent eating Sky Flakes from the open ...

WITH REPRESENTATION OF LETTER "F" WITHIN A HEART DEVICE ON TOP OF THE ....SKY FLAKES WITHIN AN OBLONG DEVICE, MONDE M.Y. SAN CORP. ... KITCHENITOS (INSIDE AN ELLIPTICAL DEVICE WITH CAPITAL LETTERK" AT THE ...

How else do you explain the slogan "I.M. Healthy" that wraps its letter arms ..... then SkyFlakes Crackers—a product of the Philippines easily available in ...... And even today, I am known to indulge in a bowl of Special K Red Berries ...... To fit in with other food products from the heart-attack capital of the
Region has gone lower that the estimated 457, 42001000673, 1/31/2001, "...

Pag nalaman nyo kung bakit, pwede paki sabi sakin?
Binabanatan nako ng utak ko kakaisip kung bakit. nakekehenes!


PS: Sabi ni kuya paps, 54 daw ang butas sa skyflakes.haha
Image and video hosting by TinyPic

Saturday, May 2, 2009

Nonsenseful [anu daw?]

Last year pa ako nahuhumaling sa pagpopost ng blog kahit wala naman akong fans.Nagsimula ako sa multiply na sobrang bagal na minsan eh hindi kinakayanan ng aking broswer kaya paminsan minsan nalang ako magpost ng kung anek anek don.
Lumipat ako dito sa blogspot.Kasi sabi ni Jan [prendko] mabilis dito, kahit maglagay ka ng header na kasing laki mo eh mabilis parin ang loading,at TOTOO NGA!Kayo ayun, presto!Andito nako, doon na nagsimula ang pagka-addict ko sa pagpopost.Halos gusto ko araw araw ako magpopost kasi nga, bago palang to, wala pang masyadong kung anek anek.

Lalo akong naiinspire magpost dahil sa mga nababasa kong humour blogs na sa sobrang totoo ng sinasabi nila eh nakakatawa.Gusto kong ganun din kalabasan ng blog ko.Pero mahirap magpilit at ipagsiksikan ang sarili mo sa mundong hindi mo naman nakasanayan.So ganito nalang, magpopost ako ng magpopost ng kung ano ang gusto ko, WALA NALANG PAKELAMANANAN.

Salamat kung nagtityaga kang magbasa ng blog kong ewan ko kung may kwenta.
Simula ngayon di ko na iisiping gayahen ang mga idolo kong parang bigla nalang mag eeat bulaga sa utak nila ang ideas at ayun, patok na blog post ang resulta.
Tutal blog ko to, bale ako ang reyna dito, bahala nako sa buhay ko kung ano ipopost ko dito.
AYUN LANG.

*anu nga bang sense netong mga sinasabi ko?bahaha
teka nainggit nanaman ako.
- gusto ko ng chatbox!pano ba magkaron non?
- gusto ko rin pala nung word sa dulo ng post mo.
haaay, mabuksan nga ang photoshop kahit humihingi na nag katarungan pc ko.
Image and video hosting by TinyPic