Wednesday, July 29, 2009

Lintik nga !

Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat

'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating
Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo
Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta



Shit shit shit!
Kahapon lang to nangyari, kahapon kahapon!
Pero bakit ganon ?
Habang naglalakad ako, papalapit sa school
pinapanalangin ko na kay bro na sana makita ko sya.
At presto !
Love talaga ako ni bro !
Hayun sya,at ang kyut kyut, mukang tangang nagiisa.
Gusto ko syang lapitan, kausapin.
Kaso Im shy !
At hindi ako katulad nung girls na....you know? waterbear!

Sayang, ang aga ni Sir.Pintado, di ko tuloy sya nasight ng matagal tagal.
Pagtapos ng klase, hinanap ng mga mata ko ung anghel na yon..
Kaso wala eh, baka PG na sya at naglunch na
or may klase pa.haaay
Masyado na ata akong desperada na makita sya,
Saka omigad, crush lang to.crush lang to.
Isa lang ako sa mga tinedyer na konring nakakaranas nito ngayon.

Well, kung friends talaga tayo from the start
at binabasa mo talaga ang previous entry ko
Alam mo kung bakit ako nagkakaganito.
Sign nato ng kabaliwan.
At ang kabaliwang iyon ay hindi dapat magtuloy tuloy.
Gaya nga ng sabi sa kanta ni Nelly Furtado,
"All good things come to an end"

Saka mahirap maging futuristic at assuming.
Mahirap talaga pag nasosobrahan ka sa pagigign day dreamer.
Hays..

Uhmm.. Does this post make any sense? hahaha
I just miss posting. 2weeks akong nakatenga at di nakahawak ng keyboard.
I can't help it.Kahit non sense na mga pinopost , go lang ng go. hihi
Ay tenkyu *BOW

3 comments:

  1. Wow, inlove ang bruha, haha.. :P Wala naman masamang lumapit at medyo magpapansin ng konti. Huwag lang ung bigla kau maglalaplapan sa bangketa, haha.. :D

    Haay.. Pag-ibig nga naman. :D

    ReplyDelete
  2. ayeee haha wag kang magalala kayo magkakatuluyan nun,naks!

    ReplyDelete
  3. omaygod! hahaha.. todo kilig ha! hahaha :))

    ReplyDelete