Thursday, July 30, 2009

Tuwing umuulan

Tuwing umuulan, nagdidiwang ang mga estudyante.
KASI WALANG PASOK !HAPI HAPI NA !
Ang kaso, mga estudyante lang ang masaya.
Ay, Ung mga nagtitinda pa pala ng payong,
At mga gumagawa ng munting tulay sa mga
binabahang lugar, ung limampiso pagtawid?
--------
*Pano yung mga labanderang,
nagaalalang hindi matuyo ang kanilang sampay?

*Pano yung mga kababayan nating skwater,
Na pano kung liparin ang bubong nila na pinatungan lang ng mga gulong?
Oh magiba ang naghihingalong silong nila?
Baka bahain sila sa loob ng bahay.
At ung mga tulo sa bubong?

*Eh yung mga nakatira sa tabing dagat/ilog
Pangingisda lang ang kabuhayn nila.
Dun lang din sila nakakakuha ng kakainin.

*Eh yung mga naglalako nating kapatid
Ung kung saan saan sumusuot, makapagbenta lang ng
kama, patis, ointment, shampoo atpb.
Pano ang kakainin ng pamilya nya?

*Ung mga taong grasa at ligaw
San sila maaaring tumuloy?
Pano sila sisilong, kung pinapaalis sila ng mga establishimento?
Pano sila hihingi ng tulong kung mismong tao ang lumalayo sa kanila ?
------------
Haaaaay.
Saka ko lang narealize tong mga to
nung nasobrahan ako sa kakapantasya, kakaisip ng kung ano ano.
Nagiging makasarili na pala ko, di ko napapansin.
Palagi ko kasing winiwish na umulan pag P.E day namin
Para walang PE, yung pala madami ang nagdurusa.tsk

Sya sya, baka mawala nanaman ako ng ilang araw.
PRELIMS NAAAAAA !
Ay tenkyu *BOW

Wednesday, July 29, 2009

Lintik nga !

Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat

'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating
Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo
Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta



Shit shit shit!
Kahapon lang to nangyari, kahapon kahapon!
Pero bakit ganon ?
Habang naglalakad ako, papalapit sa school
pinapanalangin ko na kay bro na sana makita ko sya.
At presto !
Love talaga ako ni bro !
Hayun sya,at ang kyut kyut, mukang tangang nagiisa.
Gusto ko syang lapitan, kausapin.
Kaso Im shy !
At hindi ako katulad nung girls na....you know? waterbear!

Sayang, ang aga ni Sir.Pintado, di ko tuloy sya nasight ng matagal tagal.
Pagtapos ng klase, hinanap ng mga mata ko ung anghel na yon..
Kaso wala eh, baka PG na sya at naglunch na
or may klase pa.haaay
Masyado na ata akong desperada na makita sya,
Saka omigad, crush lang to.crush lang to.
Isa lang ako sa mga tinedyer na konring nakakaranas nito ngayon.

Well, kung friends talaga tayo from the start
at binabasa mo talaga ang previous entry ko
Alam mo kung bakit ako nagkakaganito.
Sign nato ng kabaliwan.
At ang kabaliwang iyon ay hindi dapat magtuloy tuloy.
Gaya nga ng sabi sa kanta ni Nelly Furtado,
"All good things come to an end"

Saka mahirap maging futuristic at assuming.
Mahirap talaga pag nasosobrahan ka sa pagigign day dreamer.
Hays..

Uhmm.. Does this post make any sense? hahaha
I just miss posting. 2weeks akong nakatenga at di nakahawak ng keyboard.
I can't help it.Kahit non sense na mga pinopost , go lang ng go. hihi
Ay tenkyu *BOW

Tuesday, July 28, 2009

Spice up

Im having a boring life.
It's been weeks since I last updated my blog.
Nalulungkot ako sa pagigign malungkot.
I mean, wala akong nararamdamang thrill.
Parang hindi umuusad ang buhay ko.
Napapagod nako kaka yosi pag wala akong ginagawa.
Nakaka almost 2 kaha ako no.
I feel so unfit na ;c
--
A lot of my friends have a healthy love life.
Oo, mejo naiinggit ako kais matagal tagal na rin akong hindi nakikipagsapalaran sa pagibig.
Namimiss ko na ring makipag wrestling kay kupido.
Pero ayokong gawing sagot sa pagigigng malungkot ko ang pagpaok sa isang relasyon.
Ni hindi ko nga alam kung sasaya ba talaga ko don.

Naisip kong uminom, you know
may pera naman ako, at hindi na nagigigpit tulad dati.
Uminom kaya ako ng isang bote pag trip ko?
But nahhh, sabi ko sa wake ni papa, di nako iinom
And im dead serious about it.
At hindi masarap ang alak, tsss.

Bar hopping crossed my mind.
Kasi may friend ako na sang party girl
at kung saan saan ako gustung hilahin para makasama nya ko sa pag gimik.
PERO DI AKO MAGEENJOY DON.
I don't drink, i hate dancing.
At ayokong makipag sosyalan, plastikan at papormahan don.
Non sense lang.
-------------------
Maaga akong pumasok kanina.
Mangilan ngilan palang ang mga clasmate ko na naghihintay na mabuksan ang pinto ng room.
Ng nakita ko sya...
I really don't believe in love at first sight.
It's bullshit.
pwede ba namang mahalin mo ang isang taong, bigla mo lang napansin?
Pero iba eh, lakas ng impact nya sakin.
He looks just an average guy, pero muka syang anghel sa paningin ko nung ngumiti sya sakin.
Damn !Hindi pala ako ung nginitian.
May kausap pala sya at animated sya sa pagkukwento.
Kung ano anong kakornihan tuloy naisip ko...
hayyyy.I was ecstatic at that time to know his name.
And sanababeach ! Kilala sya ng super friends ko !
His name is Genesis. Whew, banal ang parents !
Well, sana makita ko ulit sya bukas :)
with that smile on his face again.

Ayon.Parang nobeka ata tong bago kong entry.
Bawing bawi naba sa tagal kong nawala? haha
Amg cheesy nanaman ng blog ko :c

Ay Tenkyu *BOW

Monday, July 13, 2009

Huh? Math?

Piliy kong iniiwasan ang math.
Hate na hate ko talaga sa simula elementary.
PERO BAKIT LOVE NA LOVE NYA KO ?!
Isa sya sa major subjects ko sa cpurse ko.
Ewan ko ba kasi kung bakit gt major in architectual ang kinuha ko,
GADAMET!

MAGPEPRE-LIM NA NEXT WEEK !
At walapa rin talaga akong natututunan sa college algebra ko.
mygash, kelangan ko na ata magrosaryo araw araw.
------

Imagine na ganito ang orasan mo...
Image and video hosting by TinyPic
WTF ! Hindi talaga ito advisable sa mga katulad kong mortal enemy ang math.

Pano nalang pag super nagmamadali ka? haaaays.

photo source: htth://kalokohan.com
Ayon, nagnet lang ako para makita ung suot ni kristine reyes sa fhm finest.haha
Aytenkyu *BOW

Monday, July 6, 2009

Handa ka na ba?

Handa ka na ba sa pinaghandaan mo?

hindi ko alam kung sobrang kapraningan nanaman to, oh inaatake ako ng paranoia oh nahihigh ako sa yosi oh nabubuang ako sa boredome dito sa maynila.
--------
Pinaghihinaalan ko lahat ng mga pinaghahandaan ko , na sanhi ito ng aking mga kamalasan.Mga simpleng kamalasan lang naman.Tulad ng nadulas sa hagdan, napatid ang sandals, matapunan ng kape [saktong papasok ka na], nakalimutang magtoothbrush, mauntog sa light bulb [ayon basag] AT MARAMI PANG IBA! [lahat yan totoo, hindi kwentong barbero]

Hindi mo gets?I mean , ano..
Pag may mga bagay akong pinaghahandaang mabuti, inaabot ako ng malas. ;c
Hindi ko alam kung totoo ba tong mga iniisip ko
oh naghahanap lang ako ng masisisi
sa pagiging clumsy ko, tanga, engot at walang magawa sa buhay.
Oo..siguro ganon na nga..
PERO HINDI PARIN EH!
Feel na feel ko talaga na pag may ipineprepare ako, mapasimple man yan oh bongga o importante, minamalas pa rin ako ! hmpf! ;c
--------
Back to mny ex-crush again.
Sa sobrang kaboringan ko kahapon,
nagedit ako sa putosyap ng picture ko na naka pose ng ninoy aquino [nakapangalumbaba]
tapos may balloon na parang iniisip ko si ex-crush.
Oh diba may picture nya ko!
stolen iyon, kasi pinicturan ko sya habang nagkekwento sa mga friends nya.bwahaha.
wala siyang kamalay malay na hinahalay ko sya.ay.pinicturan pala [[:
-
Kanina ang aga ko dumating sa school, 5 lang kami nandoon, puro lalake.Mga hindi ko masyadong close.So nagchikahan kaming lahat.
Masyado akong nacarried away sa mga pinaguusapan namin kaya nung may humiram ng cellphone ko, ibinigay ko kaagad at bumalik sa pagdakdak.
NAKALIMUTAN KONG WALLPAPER PALA NG CP KO UNG INEDIT KONG PIC NAMIN NI EX-CRUSH !!!!
Ayon...Kalat na ang aking itinatagong lihim D;
INFURNESS! nginingitian na nya ko ! hahaha
PERO AYAW KO NA TALAGA SAKANYA.
kasi ayoko talaga sa lalaking may kaakibat sa cp palagi.oaras oras.arawaraw.

Ayon..Bakit ba pag gumagawa ako ng new entry ang bilis bilis ng net, pero pag magcocomment nako... :C :C :C
Aytenkyu *BOW

Friday, July 3, 2009

Buti na lang

Ganun ba talaga pag college na?
Ang mga nene ,iwinawagayway na ang kanilang....

Freshmen palang kami pero lahat na ata ngklasmates kong babae ,foundation/compact face powder na ang gamit.Samantalanfg noong highschool, polbo polbolang, ung johnsons .haha.
Tapos oras oras sila kung magretouch, nagkakapalan ang blush on, eyeliner, eye shadow at lipstick.Minsan naiiiiiiisip ko, muka na pala silang clown.mygash
--------
MEJO kuntento na ako sa pisikal kong anyo.
Thankful pa nga ako kahit di ako kagandahan, saksakan ng yaman, saksakan ng bait, saksakan ng talino saksakan ng seksi at kung ano ano pa.
Kasi alam ko, kung mamahalin ako ng mga tao sa paligid ko either kapamilya, friendship o future ka-ibigan, alam kong sincire ang feelings nila.Un bang mahal nila kung ano ako at hindi kung anong MERON ako :)
--------
Mabalik ako sa last po ko, nung july 1.
DI KO NA SYA CRUSH.haay, wala talagang tumatagal na crush sakin.
Ayoko kasi sa mga lalakeng may kakambal na cellphone :)

ayon, sa august pa pala ang aking 100th day.hahaexited lang.nagmamadali [[:
Aytenkyu *BOW

Wednesday, July 1, 2009

Super Senyales

Tipikal at ordinaryo lang akong babae.
Syempre pinaniniwalaan ko yung super senyales.
Ung tipong makakita lang ako ng kakaibang bagay
iimbentuhan ko na ng sign.
Araw araw yan.

NOON YON.
--------
July 1 na, magiisang buwan na rin pala kaming magkakasama ng mga bago kong kaklasmates.Magiisang buwan na rin pala akong HAL independent.

Kaninang umaga, may klasmate akong nagpakilala sakin.
Hindi sya gwapo.Muka syang tao, pero iba talaga ang dating nya sakin.
Matangkad, maputi at mejo chubby, nagkacrusj ako sakanya [[: [ang landi ko mygad]

Umagang umaga, buo na ang araw ko.
Angganda ganda ng umaga ko, ng maisip ko nanaman ang aking friendship na si SUPER SENYALES.


Pasakay ako ng LRT at sabi ko, pag tumapat sakin ung pinto, magiging magka-ibigan [hahahaha] kami ni klasmate Dan, kaso..
LUMAMPAS YUNG LRT SAKIN! :C
Kaya talagang naisip kong maling idepende ang takbo ng buhay ko sa nananahimik na signs na yan.Kasi hindi ako aasenso, dapat maqy mga sarili akong desisyon na masusing pinagisipan at hindi ibinase sa hokus pokus lang.
haaaaay, sayang...PAGIBIG pa naman ang tawag ko kay Dan.haha.Oh deba, F na F ko :]

Ayon, hihi.May suprise ako sa 100th day ko sa blogsphere :)

Aytenkyu *BOW